Sandigan ng Wika- Manuel A. Roxas Senior High School

Sandigan ng Wika- Manuel A. Roxas Senior High School Ang Sandigan ng Wika ay isang eksklusibong organisasyon ng mga mag-aaral sa mataas na paaralang Manuel A. Roxas Highschool.

Ito ay nalalayong maipadama sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng wikang Filipino, upang mapangalagaan ang kultura ng mga Pilipino.

Last October 3, the Sandigan ng Wika Club gave simple gifts to our beloved teachers in celebration of Teacherโ€™s Day! ๐Ÿ’ A...
08/10/2026

Last October 3, the Sandigan ng Wika Club gave simple gifts to our beloved teachers in celebration of Teacherโ€™s Day! ๐Ÿ’ As a small way of showing our appreciation, we gave them Katinko for a little relief and comfort after their long and tiring days.

From your Sandigan ng Wika Club, we hope that this little Katinko brings you a bit of relief, just as you continue to bring knowledge, inspiration, and encouragement to your students. Deserve na deserve po ninyo ang appreciation, not just on Teacherโ€™s Day, but every single day!

Happy Teacherโ€™s Day po sa aming mga mahal na g**o! Maraming salamat po sa lahat ng inyong sakripisyo, pagmamahal, at walang sawang paggabay sa amin. You are more than just teachers; you are also our mentors and inspirations. We appreciate you more than words can say!๐Ÿ’™

Ang kaligtasan ay nagsisimula sa pagiging handa. Sa isinagawang Shooting Drill, nabigyan ang mga participants ng pagkaka...
03/09/2026

Ang kaligtasan ay nagsisimula sa pagiging handa. Sa isinagawang Shooting Drill, nabigyan ang mga participants ng pagkakataong matuto kung paano manatiling kalmado, alerto, at maayos na kumilos sa isang emergency situation.

Hindi man natin inaasahang mangyari ito, mahalagang may sapat tayong kaalaman kung ano ang dapat gawin at kung paano makikipagtulungan sa iba kapag kinakailangan. Dahil nangyayari rin ito sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng awareness at pagiging handa ay isang mahalagang bahagi ng pagiging responsableng miyembro ng komunidad.

Sa bawat pagsasanay, mas napapalawak ang ating kaalaman at awareness tungkol sa kaligtasan. Ang simpleng pagkatuto at pakikilahok sa ganitong activity ay maaaring makatulong upang mas maging handa at responsable tayo sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis at maayos na pagkilos.

Patuloy tayong matuto, maging alerto, at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

๐Ÿ–ผ๏ธ : Carla Brioso
โœ๐Ÿป : Josef Nuรฑez

Mas naging makulay ang ating Club Fair dahil sa mga bagong mukha at mga muling nakibahagi sa pamilya ng Sandigan ng Wika...
03/09/2026

Mas naging makulay ang ating Club Fair dahil sa mga bagong mukha at mga muling nakibahagi sa pamilya ng Sandigan ng Wika!

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagpa-member, mga bagong miyembro, at mga nagpatuloy bilang bahagi ng ating samahan. Ang inyong interes at pakikiisa ay patunay na patuloy na may kabataang handang makibahagi, matuto, at tumindig para sa ating wika at kultura.

Maraming salamat sa pagsama sa amin!๐Ÿ’™

๐Ÿ–ผ๏ธ : Carla Brioso
๐Ÿ“ธ : Josef Nunez, Rhian, Jan-dhi at Hannah
โœ๐Ÿป : Hannah Dulay

Hindi ka pa ba member ng kahit anong club? Eto na ang sign mo!๐Ÿ˜œโœจTara na sa BOOTH 21 at maki-join sa amin! ๐Ÿซถ๐Ÿป Dito, hindi...
02/09/2026

Hindi ka pa ba member ng kahit anong club? Eto na ang sign mo!๐Ÿ˜œโœจ

Tara na sa BOOTH 21 at maki-join sa amin! ๐Ÿซถ๐Ÿป Dito, hindi lang basta membership ang makukuha moโ€”bagong friends, bagong experiences, at bagong memories rin! ๐Ÿค๐Ÿ’—

Kaya huwag ka nang mahiya at huwag puro โ€œtitingin lang akoโ€ HAHAHA. Lapitan mo na kami! ๐Ÿ‘€

๐Ÿ—“๏ธ September 03, 2026
๐Ÿ“ BOOTH 21 : Gymnasium
๐Ÿ•— 8:00AM - 9:00AM

Tara, maging parte ng club namin!
Sali na, bestie! Baka ikaw na ang hinihintay namin

๐Ÿ–ผ๏ธ Mikayla Artiola
โœ๏ธ Precious Heart Catarroja

Maligayang Kaarawan, Gng. Salvy Robles!Kahit medyo nahuli na ang aming pagbati, nais pa rin naming ipaabot ang aming tao...
11/08/2026

Maligayang Kaarawan, Gng. Salvy Robles!

Kahit medyo nahuli na ang aming pagbati, nais pa rin naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati sa inyong kaarawan noong Agosto 10. Nawaโ€™y naging masaya at puno ng magagandang alaala ang inyong espesyal na araw.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan, dedikasyon, at patuloy na paggabay at pagbibigay-inspirasyon sa inyong mga estudyante. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at marami pang biyaya sa buhay.

Muli, Maligayang Kaarawan po, Gng. Salvy Robles! Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang bawat araw ng panibagong taon ng inyong buhay. ๐Ÿ’โค๏ธ

Ngayong Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2026 na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananal...
03/08/2026

Ngayong Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2026 na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Binibigyang-diin ng temang ito ang mahalagang papel ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapaunlad ng pananaliksik, at mas malawak na pag-access sa impormasyon. Hinihikayat din nito ang responsableng paggamit ng teknolohiya habang patuloy na pinahahalagahan at pinauunlad ang ating pambansang wika.

Sa pagdiriwang na ito, nawaโ€™y lalo nating mahalin, gamitin, at pagyamanin ang Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at bilang tulay tungo sa mas maunlad at makabagong kinabukasan.

Mabuhay ang Wikang Filipino!



Isang mapagpalang gabi, Kapwa Roxasians! Handa na ba kayong makilala ang organisasyong patuloy na nagsusulong ng pagmama...
16/07/2026

Isang mapagpalang gabi, Kapwa Roxasians!

Handa na ba kayong makilala ang organisasyong patuloy na nagsusulong ng pagmamahal sa ating sariling wika at kultura?

Bago namin ipakilala ang Sandigan ng Wika, nais muna naming ibahagi na ang tagumpay ng organisasyong ito ay bunga ng dedikasyon, pagkakaisa, at sipag ng mga taong nasa likod nito. Sa kanilang mahusay na pamumuno at aktibong paglilingkod, patuloy na naipapakita ang tunay na layunin ng samahan.

Ngayon, buong galak naming ipinapakilala ang bagong hanay ng mga opisyal at komite ng Sandigan ng Wika para sa panuruang taon 2026โ€“2027. Inaasahan naming magiging katuwang sila sa pagtataguyod ng mga makabuluhang programa at gawaing magbibigay ng karangalan sa ating paaralan.

Lubos naming hinihiling ang inyong suporta at pakikiisa sa bawat proyektong aming isasagawa. Sama-sama nating ipakita na ang bawat Roxasian ay may kakayahang maging aktibong tagapagtaguyod ng wikang filipino at maging inspirasyon sa ating paaralan, Manuel A. Roxas High School.

EARTHQUAKE DRILL | July 14, 2026Bilang bahagi ng ating paghahanda sa mga sakuna, matagumpay na isinagawa ang Earthquake ...
16/07/2026

EARTHQUAKE DRILL | July 14, 2026

Bilang bahagi ng ating paghahanda sa mga sakuna, matagumpay na isinagawa ang Earthquake Drill ngayong Hulyo 14, 2026. Nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa pagsunod sa mga tamang safety protocols at evacuation procedures upang higit na mapaigting ang kamalayan sa wastong pagtugon sa oras ng lindol.

Ang bawat pagsasanay ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas handang komunidad. Patuloy nating isabuhay ang disiplina, pagiging alerto, at kooperasyon upang maging handa sa anumang sitwasyon.

โ€œDuck, Cover, and Holdโ€,
Handa ngayon, ligtas bukas. ๐Ÿ’™

Matagumpay na nagtapos ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng mga g**o, mag-aar...
07/06/2026

Matagumpay na nagtapos ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng mga g**o, mag-aaral, magulang at mga katuwang ng paaralan.

Sa loob ng ilang araw ng paglilingkod at pagtutulungan, naging daan ang programang ito upang mas maging handa, maayos, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan. Ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.

Nawaโ€™y patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan para sa ikauunlad ng ating paaralan at komunidad.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa!!๐Ÿ’™

๐—”๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—–๐—ž-๐—ง๐—ข-๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—š๐—Ÿ๐—ข๐—ช-๐—จ๐—ฃ ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข? ๐ŸŽ’Panahon na para i-flex ang inyong back-to-school glow-up! Bagong school year, bagong...
04/06/2026

๐—”๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—–๐—ž-๐—ง๐—ข-๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—š๐—Ÿ๐—ข๐—ช-๐—จ๐—ฃ ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข? ๐ŸŽ’

Panahon na para i-flex ang inyong back-to-school glow-up!
Bagong school year, bagong bersyon ng sarili?
Baka naman ngayong taon ay nagpa-brace ka na ๐Ÿ˜, may bagong hairstyle o rebond para sa fresh look, o kaya naman ay nasa glowing skin era na?

Pero tekaโ€”hindi lahat ng glow-up ay nakikita sa panlabas.
Yung iba mas naging confident na.
Mas handa nang mag-aral at abutin ang kanilang mga pangarap.
Mas organized na at ready na sa mga gawain sa paaralan.

At syempre...
May mga estudyante ring kumpleto na sa school essentialsโ€”may bagong aquaflask, bagong bag, at bagong gamit para sa pasukan.
O baka naman... may bagong inspirasyon? ๐Ÿ‘€โค๏ธ

Hello sa mga nagpupuyat pa rin kahit malapit na ang pasukan!

Kaya react na at sabihin sa amin:
Anong back-to-school glow-up mo ngayong school year?

Address

President Quirino Avenue Extension, Corner Osmeรฑa High Way, Paco
Manila
1007

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sandigan ng Wika- Manuel A. Roxas Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sandigan ng Wika- Manuel A. Roxas Senior High School:

Shortcuts

Share