21/07/2025
Magandang araw sa lahat ng ating mga kapatid sa Kapatirang Triskelion!
Nais naming iparating ang aming buong suporta sa aming mga ka-chapter na si Brother Julius “Undertaker” Javelona, na tumatakbo bilang Chairman, at ang ating kapatid na si Brother Mhac Alcantara ng San Antonio Triskelion, bilang Vice Chairman ng ating konseho — ang Parañaque Triskelion City Council (PTCC).
Ang kanilang pagsabak sa posisyon ay hindi simpleng paghahangad ng kapangyarihan. Ito ay isang taos-pusong paninindigan upang ayusin, patatagin, at muling buuin ang pagkakaisa sa ating mahal na konseho. Layunin nilang maibalik ang tiwala, respeto, at dignidad ng PTCC sa mata ng bawat kapatid.
Si Brother Julius ay matagal nang napatunayang hindi sumusuko sa mga hamon. Hindi niya tinatakbuhan ang problema; sa halip, hinaharap ito nang may tapang at integridad. Sa kanyang liderato noon sa proyekto ng ONE FS, kahit hindi siya nahalal kundi naitalaga lamang, hindi ito naging hadlang upang gampanan niya ang kanyang tungkulin. Siya mismo ang humarap, nagpaliwanag, at nagtrabaho—dahan-dahan ngunit tapat—hanggang sa may malinaw na pag-usad sa proyekto.
Gayundin si Brother Mhac Alcantara, isang kapatid na may malinaw na paninindigan, may malasakit sa kapatiran, at may kakayahang makiisa sa pamumuno upang maisulong ang tunay na pagbabago. Ang tambalang Julius at Mhac ay kumbinasyon ng karanasan, katapatan, at pagkilos para sa ikabubuti ng lahat.
Ang kanilang plataporma ay malinaw: Pagkakaisa, Solusyon, at Pananagutan.
Naniniwala kaming sa kanilang pamumuno, matatapos ang mga suliranin, at muling mararamdaman ng bawat Triskelion ang sigla at dangal ng PTCC.
Kaya naman kami ay nananawagan ng buong suporta mula sa ating mga kapatid. Sa darating na halalan, ipagkaloob natin ang ating tiwala kina Brother Julius “Undertaker” Javelona at Brother Mhac Alcantara — ang tambalang magbabalik ng tapang, tiwala, at tunay na serbisyo sa PTCC!
Triskelion para sa Triskelion.
Tau Gamma Phi — Fortis Voluntas Fraternitas!