11/08/2026
18 YEARS STRONG! 💛🖤
Isang matagumpay, masaya, at makabuluhang pagdiriwang!
Sa pagdiriwang ng aming 18th Founding Anniversary, matagumpay na naisagawa ng Tau Gamma Phi - West Crame Chapter ang isa na namang proyekto para sa kabataan ng Barangay West Crame sa pamamagitan ng "Palarong Pambata"
Punong-puno ng ngiti, halakhak, at saya ang araw na ito sa hatid nating iba't ibang laro, Magic Show, at snacks para sa lahat ng dumalo.
Higit pa rito, ito rin ay pagpapatunay na ang tunay na diwa ng ating Kapatiran ay ang paglilingkod at pagbibigay-saya sa ating komunidad.
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUMUPORTA AT TUMULONG.
Nais din naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating Barangay Council, sa mga sponsors, sa mga nakikiisang mamamayan ng West Crame, at higit sa lahat, sa bawat Kapatid (Brod at Sis) na nag-alay ng kanilang oras, lakas, at suporta para maging posible at matagumpay ang anibersaryong ito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagiging aktibo sa ating pamayanan at pagiging tapat sa ating Alma Mater — ang West Crame Chapter.
Long live, Tau Gamma Phi!
Mabuhay!