29/05/2026
Kailangan ba talaga ng Pilipinas sumunod sa gusto ng Interpol na meron naman ang Pilipinas ng SC?
Hindi. Hindi "obligado" ang Pilipinas na sundin lahat ng gusto ng Interpol.
May SC tayo, at Constitution natin ang mas mataas sa Interpol.
Ano ba talaga ang Interpol Red Notice?
Sabi mismo sa batas at sa mga legal expert:
"The notice itself does not confer arrest powers but alerts Philippine authorities to an existing foreign warrant." Ibig sabihin: Paalala lang ang Interpol, hindi utos. Parang "Hoy PH, wanted tong tao sa ICC, bahala na kayo kung huhulihin nyo."
So kailangan ba sumunod ng Pilipinas?
Depende sa gobyerno natin. Choice nila
1. Pwede HINDI sumunod: Walang parusa ang Interpol kung dedma tayo sa Red Notice. Wala silang pulis, wala silang kulungan. Discretion ng bawat bansa kung kikilos sila.
2. Pero pwede rin SUMUNOD: Kung gusto ng gobyerno, pwede nilang gamitin yung Red Notice as basis para mag-arrest. Pero... dapat sumunod pa rin sa batas ng Pilipinas. Ano sabi ng Supreme Court natin?
Sa mga kaso like People v. Aminnudin: Bawal ang warrantless arrest unless may strict criteria. Kahit may Red Notice, kailangan pa rin ng "probable cause" under PH law.
At yung tao, may rights pa rin:
• Right to counsel • Right against self-incrimination
• Right to habeas corpus - pwede i-challenge yung arrest sa korte
Ibig sabihin: SC ang final say, hindi Interpol.
Eh bakit sinunod ng Marcos admin? Sabi ng DOJ nung 2023-2024:
"The Philippine government is legally obliged to accord due course to the same, by all means"
Pero teka — "legally obliged" saan? Sa batas ng Pilipinas, wala. Ang tinutukoy nila ay yung "commitment natin as Interpol member". Pero commitment ≠ batas. Parang club rules lang yan. Pwede ka umalis or hindi sumunod.
Sabi pa ng DOJ:
"We have no contact with the ICC and they have no jurisdiction here... **But when the ICC issued the warrant... and endorsed it to Interpol, and the Interpol endorsed it to us, that’s when we cooperated"*
So inamin nila: Choice nila na makipag-cooperate. Hindi napilitan.
Kaya ang sagot: Hindi kailangang sumunod ng Pilipinas sa Interpol. Pinili lang ng Marcos admin na sumunod.
Kaya nga ang tawag ng iba dyan "kidnapping" — kasi daw "may SC tayo, bakit Interpol sinunod?"
Ang counter naman ng gobyerno: "SC din nagsabi na obliged tayo mag-cooperate sa ICC for pre-2019 cases, so ginawa lang namin yun."
Parehong may legal argument. Kaya ngayon may mga petisyon sa Supreme Court para i-determine kung tama ba ginawa ng admin.
Hanggang wala pang final ruling ang SC sa mismong arrest ni Duterte, debate pa rin yan.