Madinah Filipino Community

Madinah Filipino Community Ang layunin ng Page na ito ay mapag sama sama ang bawat Filipino na nag Tutulungan at nag Kakaisa

19/05/2026

Masha’Allah! Panoorin kung paano po namin pinapahalagahan at isinasagawa ang inyong Qurban/ Udhiyah.

​Makakaasa po kayo na ang bawat hakbang ay dumaan sa masusing pagsusuri ng ating mga Ustadz, upang matiyak na ito ay mahigpit na sumusunod sa turo at pamantayan ng Islam.

From the careful selection of healthy livestock to the strict Halal slaughtering, clean butchering, and systematic packaging your religious obligation is in safe, capable hands.

​At The One Source Halal, we don't just sell livestock we offer Amanah and Convenience.

​Focus po kayo sa inyong Ibadah ngayong darating na Eid, at kami na po ang bahala sa inyong Qurban/Udhiyah.

May Allah accept our sincere intentions and sacrifices!

​SECURE YOUR QURBAN TODAY! Scan the QR code in the video or send us a direct message to reserve your Goat or Cow.

​🍃Facilitated by Baitussalamph

19/05/2026

Qurbani (Udhiyyah) Service for Eid al-Adha 2026

Gampanan ang inyong Qurbani nang may kapanatagan, katiyakan, at tunay na halal na proseso.

Sa The One Source Halal, kami na ang bahala mula sa:
✔️ Pagpili ng dekalidad at malusog na livestock
✔️ Tamang halal slaughtering ayon sa Quran & Sunnah
✔️ Maayos at organisadong distribution
✔️ Photo/video proof documentation
✔️ Guidance mula sa aming Ustadh/Sheikh
✔️ Optional delivery service para mas convenient para sa inyo

Upang makapag-focus kayo sa inyong niyyah, ibadah, at diwa ng Eid al-Adha habang kami ang umaasikaso sa proseso.

🐄 Live Cow — ₱68,999
🐄 Halal Slaughtered Cow — ₱74,999

🐐 Live Goat — ₱9,450
🐐 Halal Slaughtered Goat — ₱9,950

📩 Mag-message na ngayon para sa reservation at inquiries.
Slots may be limited during Eid season.

Supported by Baitussalamph

21/03/2026

Masha'Allah, Pakinggan ang paalala ng ating butihing Sheikh Abubakar Usman patungkol sa pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Tampok sa videong ito ang isang magandang pambungad sa wikang Tausug, na sinundan ng isang siksik-sa-aral na lecture sa wikang Tagalog.

21/03/2026

Mas lalo pang pinasigla at pinasaya ng Ating mga MC na si Sheikh Omar at Sheikh Benzal ang ating Eid Al-Fitr Celebration. Nakakatuwang isipin na kahit nagkaroon tayo ng kaunting aberya at walang mikropono (mic), hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang ating napakasayang selebrasyon

21/03/2026

Inumpisahan po natin ang ating masayang Eid Al-Fitr Celebration sa pamamagitan ng nakakapanatag-loob na pagbabasa ng Banal na Qur'an mula sa ating mahal na kapatid at Qari', Sheikh Ahmad Reza Nuruddin.

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh,MAMAYA NA PO ITO, MGA KAPATID!Handa na ba kayong makisaya sa ating Eid Al-...
20/03/2026

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh,

MAMAYA NA PO ITO, MGA KAPATID!

Handa na ba kayong makisaya sa ating Eid Al-Fitr Celebration? Magkita-kita po tayo mamayang 7:30 PM sa Madinah Da'wah Center Head Office.

May inihanda kaming magagandang paalala, masarap na dinner, at masasayang parlor games para sa lahat. Asahan po namin ang inyong pagdalo. See you there.

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh, mga minamahal naming kapatid!Eid Mubarak po sa Lahat.​Bilang pasasalamat ...
20/03/2026

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh, mga minamahal naming kapatid!

Eid Mubarak po sa Lahat.

​Bilang pasasalamat sa mga biyaya ng Allah, malugod po namin kayong inaanyayahan na dumalo at makisaya sa ating gaganaping Eid Al-Fitr Celebration 2026 mamayang gabi!
​Halina't magsama-sama tayo upang palakasin ang ating kapatiran at magdiwang ng isang masayang salo-salo. Bukas po ito para sa lahat, kaya huwag po kayong mag-atubiling isama ang inyong mga kaibigan at kakilala.

​📅 Kailan: Ngayong Biyernes, March 20, 2026
⏰ Oras: 7:30 PM (Magsisimula ang programa)
📍 Saan: Madinah Da'wah Center, Head Office, Shuran

​🍽️ Salo-salo: Naghanda po ang ating Da'wah Center ng pagkain para sa lahat. Ngunit kung nais ninyong magbahagi ng inyong mga handa (potluck), ito po ay malugod naming tatanggapin at lubos na pasasalamatan.

​🚐 Para sa mga magpapasundo:
Magsisimula po ang ating sundo ng 5:00 PM. Mangyari po lamang na tumawag o mag-message agad kay Sheikh Hadith sa numerong ito: 0558063913 upang kayo ay Masundo.

​🚗 Para sa mga may sariling sasakyan:
Maaari ninyong i-click ang link na ito para sa tamang lokasyon: https://maps.app.goo.gl/dM4hsifgBwEWugtR6

​Inaasahan po namin ang inyong pagdalo mamaya. Magkita-kita po tayo at sama-sama nating ipagdiwang ang biyayang ito. Barakallahu fikum!

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, mga minamahal na kapatid sa Islam.Alhamdulillah! Bilang pasasalamat sa mga ...
18/03/2026

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, mga minamahal na kapatid sa Islam.

Alhamdulillah! Bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin sa pagtatapos ng mapagpalang buwan ng Ramadan, malugod po kayong inaanyayahan ng ating Da'wah Center sa gaganaping Eid al-Fitr Celebration 2026.

Ang hangarin po ng pagtitipong ito ay maghatid ng tunay na kasiyahan at pagkakaisa sa puso ng bawat isa sa napakamahalagang araw na ito. Sama-sama po nating ipagdiwang ang tagumpay ng ating pag-aayuno! Inaanyayahan din po namin kayong isama at imbitahan ang inyong mga kaibigan at iba pang mga kapatid sa Islam upang mas maging masaya ang ating pagsasalo.

Upang makapaghanda po kami nang maayos at masiguro na komportable ang lahat, mangyari po lamang na sagutan ang registration form sa ibaba para makumpirma ang inyong pagdalo.

Jazakumullahu Khairan po! Aasahan po namin kayo.

Form link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScR7mk_4ASUxwZ10C8_K_1AgaHQBO5Ez_PuF7AzGlexPSEc7w/viewform?usp=dialog

10/03/2026

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh, mga kapatid.

LAST CALL: Libreng Hajj para sa mga kapatid natin na Yumakap sa Pananampalatayang Islam.

Huling panawagan po para sa ating mga kapatid na bagong yakap sa Islam (Converts/Balik Islam) na hindi pa nakakapag-Hajj kahit minsan. Kung nais niyo pong makapagsagawa ng Hajj nang libre ngayong taon, makipag-ugnayan o mag-Private Message (PM) lamang po agad sa amin.

Mga Kailangan (Requirements) para sa Hajj:
1. Malinaw na screenshot ng inyong Iqama mula mismo sa inyong Absher account.
2. Aktibong mobile number na nakarehistro rin sa inyong Absher.
3. Katibayan ng pagyakap sa Islam o Certificate of Conversion (Shahada).

WALA PANG SHAHADA CERTIFICATE?
Huwag po kayong mag-alala! Maaari po kayong kumuha sa ating Da’wah Center ngayong darating na Huwebes (Thursday) at Biyernes (Friday).

Mga Kailangan para sa Shahada Certificate:
1. Pagpasa sa Basic Exam bilang isang Muslim.
2. kopya ng inyong Iqama.
3. Dalawang (2) piraso ng 2x2 ID picture.

DEADLINE: Tatanggap po tayo ng inyong mga requirements hanggang sa Biyernes, March 13, 2026 lamang.

Huwag palampasin ang pinagpalang pagkakataong ito. Barakallahu fikum!

Address

Medina

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madinah Filipino Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share