18/07/2026
BPLO–DOLE Technical Advisory Visit and Orientation_July 16,2026
Sa pangunguna ni BPLO Head Ma. Liza Vidallion at Mam Zeny ng Peso Department nagsagawa ng Orientation at Technical Advisory Visit ang DOLE para sa mga MSMEs. Layunin nito na mabigyan ng tamang kaalaman at gabay ang mga negosyante at manggagawa. Kasama sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Presidente ng ibat ibang SLP Association, Cavao Legacy, at Luksuhin Market Vendors Association.
Kabilang sa mga tinalakay ang General Labor Standards (GLS), Occupational Safety and Health Standards (OSHS), mga benepisyo ng manggagawa, 13th Month Pay, iba’t ibang uri ng leave, occupational safety requirements, at BMBE exemption sa minimum wage, habang nananatiling saklaw ng iba pang mandatory benefits tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at 13th Month Pay.
Tinalakay rin ng DOLE ang iba’t ibang programa at proyektong pangkabuhayan na maaaring pondohan at suportahan ng ahensya para sa mga mag qualify na indibidwal at mga samahan.
Nagbigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kasamahan, lalo na sa mga hindi napabilang sa raffle, dahil mayroon pa ring pagkakataong sila sa iba pang livelihood programs ng DOLE.
Pagkatapos ng orientation ay nagkaroon ng raffle para sa mga dumalo. Higit na ikinatuwa ng lahat na may mga miyembro ng ating samahan na napabilang sa mga posibleng benepisyaryo ng DOLE Livelihood o Kabuhayan Package. Dadaan pa ito sa kaukulang proseso at tatawagan ng DOLE ang mga mapipiling benepisyaryo para sa iba pang detalye.
Lubos din naming ikinagagalak na pinagkatiwalaan kami ng DOLE na mag-cascade o magbahagi ng mga natutunang impormasyon sa iba pang miyembro ng aming komunidad.
Nag-iwan din sila ng mga visitation forms na isusumite sa PESO Office upang maisama sa listahan ng mga posibleng may may mabunot na makatangap na maaring maging benepisyaryo ng Livelihood Pang Kabuhayan .
Mula rito ay magsasagawa ang DOLE ng kaukulang pagpili para sa mga makatatanggap ng Kabuhayan Package mula sa Regional Office na bubunutin ng Provincial Director.
Patuloy naming ipapaabot ang impormasyong ito sa mga miyembro ng aming samahan at sa iba pang vendors upang mabigyan sila ng pagkakataong makinabang sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng ating Ama ng Bayan, Mayor Randy Salamat.
Maraming salamat sa DOLE, BPLO, PESO Office, at sa lahat ng katuwang na ahensya sa patuloy na pagsuporta sa ating mga maliliit na negosyante at manggagawa. ❤️🇵🇭🙏🏻