16/09/2026
Isang Kasaysayan sa Baybayin Pagpaparangal sa Unang Lakambini ng Baybayin ng BCDA Inc. CRISHA MAE A. HERMOGINO
Hindi lamang ito simpleng pageant o kompetisyon ito ay isang makasaysayang hakbang para sa pagkilala sa lakas, galing, at boses ng kababaihang mangingisda sa ating bansa.
Sa kauna-unahang Women Fisher Congress, buong-giting na inirepresenta ng ating kababaihan ang BCDA Inc. at nag-iwan ng markang hindi malilimutan 3rd Place National Lakambini ng Baybayin
Sa makasaysayang pagtitipong ito ng mga kababaihan ng karagatan, ipinamalas ng ating Lakambini ang tunay na kahulugan ng ganda na may layunin isang ehemplo ng talino, dangal, at dedikasyon sa pagtataguyod ng sektor ng pangingisda at ng ating komunidad.
Ang tagumpay na ito ay pagpapatunay na ang boses ng kababaihan sa baybayin ay naririnig, kinikilala, at nagbibigay-inspirasyon sa buong bansa.
taos-pusong pasasalamat sa ating kinatawan para sa walang-kapantay na dedikasyon, at sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naniwala sa makasaysayang laban na ito. Ang panalong ito ay para sa bawat babaeng mangingisda na patuloy na nagtataguyod ng ating mga baybayin!