29/01/2025
Nasa dugo na nga yata nating mga Pinoy ang pagiging masiyahin.
Noong bumisita ang ML Partylist sa Zambales, isa sa major concerns ko ang mga mangingisdang inaagrabyado ng mga dayuhan. Kaya ako naroon, para mas maunawaan ang bigat ng kanilang laban.
Pero may isang bagay din akong natutunan mula sa mga mangingisda: sa kabila ng panggigipit, ng pag-aalala kung may iuuwi bang huli, o kung ligtas bang makakabalik mula sa laot, hindi nawawala ang ngiti. May biro pa rin sa pagitan ng mga kwento ng pagsubok. May halakhak sa gitna ng pangamba.
Naalala ko tuloy noong ikinulong nila ako ng halos pitong taon. Alam kong hindi madali ang manatiling matatag, pero pinili kong lumaban.
Ganito yata talaga ang Pilipino—laging may puwang para sa pag-asa. Pero tandaan ninyo, hindi lang tapang at tiyaga ang sandata natin. Nandito ang ML Partylist, handang tumindig, makinig, at ipaglaban kayo. 💙💪