Referees of Victoria Association - RVA

Referees of Victoria Association - RVA INTEGRITY AND FAIR PLAY

16/09/2024

BATTLE OF CLUSTER CHAMPIONS
TEAM STANDINGS
VICTORIA LEG

*As of September 14, 2024.

Aabante na para sa Municipal Semi-Finals ang mga natitirang koponan sa Victoria Leg! Abangan po natin ang mga kapana-panabik na mga laban sa mga susunod na linggo!

Goodluck everyone and Godbless! 🎉🎉🎉
21/08/2024

Goodluck everyone and Godbless! 🎉🎉🎉

14/08/2024

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat ang amin pong pagbati at pagpalakpak sa patuloy na tagumpay ng palaro ng 2nd Season ng Cong. CY Inter Brgy. Basketball Tournament.

Nais po naming ipabatid ng may paggalang at pagpapakumbaba na kami po sa SBP - Referees of Victoria Association, bilang isang grupo, ay nagsisilbi ng patas at may integridad.

Minsan, may mga sirkumstansya na hindi naitatawag dahil sa napakadaming dahilan, ngunit ang mga dahilan na ito ay sinisiguro po namin na nakaakma sa mga turo at aral na nakukuha namin sa seminar ng SBP Academy.

Ayos lang naman sa amin na kami ay inyong nasisigawan, nakakantyawan o batuhin ng masasakit na salita mula sa inyong mga taga suporta pero wag naman sana na pati mga manlalaro at coaching staff sa loob po ng court mabibigyan po nmin ng pena o technical fouls dahil dito. Lahat po ng larong aming pinipituhan, hindi maaalis ang makarinig kami ng mga ganyang pangungutya, ngunit kahit ganyan, nananahimik lang po kami.

Sa kasalukuyan, kami po ay lubos na nalulungkot dahil ang pagkutya sa amin ay umabot na po sa social media. Bago at pagkatapos ng laro ay di katanggap tanggap na pagpaparatang ng pandadaya o kami daw po ay may kinikilingan o kaya naman ay kami daw po ay binayaran.

Sa nakalipas na game, ilan po sa amin ang pumatol na sa mga kumento na ito. Tandaan po sana natin na ang mga referees na ito ay tao lang ding katulad ninyo. Pinilit po naming manahimik sa mga naunag ibinato ninyong paratang ngunit sino po ba ang perpekto sa mundo? Tao din po kaming katulad ninyong may damdamin. Kahit ano pa po ang ibato ninyong paratang, maninindigan kaming walang biniling game sa amin upang aming dayain. Kami po ay tulad ninyo na ang nais lamang ay makapaghanap-buhay ng marangal at may maiuwi sa pamilya.

Batid namin ang naging tensyon sa nakaraang game, kaya nga po, mula po sa pamunuan ng SBP - Referees of Victoria, kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga komentonng nabitawan ng ilan sa aming mga referees. Kung kayo po ay may karapatang magkumento ng kung anong gustuhin ninyo, nawa po ay ibigay din natin ang karapatang ito sa ating mga referee. Dahil muli po, tao lang din silang katulad ninyo.

Isang sitwasyon po na nais naming ipabatid, ang pagtawag ng fouls, kung nais po naming dayain ang team ninyo, sana po ay mula una hanggang dulo, ang team po ninyo ang palaging nauunang magpenalty. Nandyan po ang live broadcast natin, maari niyong ireview ang tinutukoy namin. Maging matalino po sana tayo sa pagtingin o panonood ng game.

Isa pa pong nais naming linawin sa kaganapang ito, ay ang pagkasangkot ni Mr. Michael Villa Agustin mula sa mga paratang sa ilang kumento sa nakalipas na live broadcast. Ang mga kumento po nila ay mariin po naming pinabubulaanan at ito ay walang katotohan. At isa pa, ito po ay napaka-unfair sa parte ni Mr. Villa Agustin sapagkat ni minsan hindi po niya kami kinausap, tinuruan, o binayaran tungkol sa itatawag sa loob ng game. Isa po siyang manlalaro na may integridad at pangalan na inaalagaan at hinding hindi po niya sisirain sa isang palaro lamang na papahiran at pararatangan ng pandaraya.

Respeto lamang ang sikreto dyan mga kabola. Respetuhin natin ang mga referees at rerespetuhin din namin kayo.

Alam po namin na lahat kayo ay gustong manalo, nais man namin na mangyari yan ngunit ito ay isang paligsahan, mayroon mang tinatanghal na panalo at talo lagi ninyong tatandaan na ang pagsali palamang dito ay nagpapakita na ng inyong pagkapanalo sa inyong mga taga suporta at sa inyong mga bawat barangay na kinabibilangan.

Maraming salamat at Goodluck sa mga natitirang mga laro.

-RVA
&FairPlay

.

14/08/2024

Good day mga Kabola!! Ito na po ang Official page ng Referees of Victoria!
&FairPlay

!

Address

Victoria
2313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Referees of Victoria Association - RVA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share