15/08/2026
Mainit na pagbati mga Ka-Tropaaa! ๐ธ๐ฝ๏ธ๐ฅ
Matapos ang matagumpay na CINEMASUHAY for Children Film Fest Season 1 at Season 2, muli nating bibigyang buhay ang husay, pagkamalikhain at aktibong pakikilahok ng Kabataang Valenzuelano mula nang maitatag ang Barangay Children's Associations sa ating Lungsod.
Sa pangunguna ng Valenzuela City Local Council for the Protection of Children, katuwang ang Valenzuela City Local Children's Federation, ipinagmamalaki naming ilunsad ang Para Sa BATA, Kaya ng BATA: A Participatory Video-Making Contest Showcasing the Good Practices of Barangay Children's Associations in Valenzuela City.
Layunin ng patimpalak na ito na kilalanin at ipagdiwang ang mga makabuluhang programa, inisyatibo at sama-samang pagkilos ng ating mga BCA Chapters sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan at partisipasyon ng Kabataang Valenzuelano.
Halina't ipamalas ang talento at pagkamalikhain ng Kabataan. Dahil para sa BATA, kaya ng BATA!