05/05/2026
~Sarado na ang kabanata ngunit ba't ayaw ko pang harapin ang katotohanang hindi na nga tugma ang pagtutunguhan~
Sa isang buong taon, puno ito ng tawanan at aral na sigurado namang madadala natin, isang libo ang ala-alang madadala hanggang sa susunod na kabanata. Salamat sa isang taong pagtanggap at pag suporta sa bawat aktibidad namin para sa inyo. Sa kabila nito, hindi lang puro saya ang nasa loob ng mga ala-ala, nasa loob din nito ang pagsubok na sabay-sabay nating hinarap ng walang takot at pagdududa.
Kaya pagbati, Seniors at kapuwa lider sa pagiging matagumpay sa loob ng isang taon. Tiyak na madadala niyo ang aral na nakuha niyo sa ating organisasyon, at nawa isa-isa niyong maabot ang mga hangarin niyo sa buhay dito sa mundo na dapat tayo ang laging maging mapagkumbaba.
Lubos kaming nagpapasalamat sa aming gurong-taga-paggabay: Ma'am Jean Mary Acain dahil sa walang sawang pag suporta sa amin at sa pag gabay sa amin.
Salamat, Year 2025-2026. Siguro, handa na rin kaming mag bukas ng panibagong yugto na kayo muli ang kasama namin, kapuwa-SRCY!
Thank you, Seniors! Salamat sa isang taon na kaagapay namin kayo bilang lider at kaagapay sa bawat aktibidad. Nawa'y lahat ng inyong hinahangad ay inyong makamtan!