09/08/2026
๐๐๐บ๐๐ต๐๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ?
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ๐ช๐ต๐ช ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ? ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ช๐ต๐ช๐ฃ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ข๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ต๐ธ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฐ ๐ด๐ข๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ต๐ข๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ช๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ขโ๐ต ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ช๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ฅ๐ถ๐ฌ๐ข๐ฏ?
Sa bawat unos na dumaraan, tila naging bahagi na ng pagkakakilanlan ng Pilipino ang pagiging matatag. Mula sa sunod-sunod na bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa, hanggang sa iba pang pagsubok sa buhay, paulit-ulit nating naririnig ang salitang โresilience.โ Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Ang resilience ay hindi lamang kakayahang bumangon matapos ang sakuna, kundi kakayahang umangkop, lumaban, at magpatuloy nang hindi isinusuko ang pag-asang may mas maayos na bukas. Gayunpaman, hindi ito dapat maging dahilan upang maging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mamamayan.
Si ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ay isang inang itinataguyod ang mga anak. Uuwi siyang pagod sa tirahan nilang payak. Kung inyong sisiyasatin kung saan? Doonโฆ sa ilalim ng tulay, sa gilid ng ilog, kung saan may barong-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping tarpaulin na pinagkagastusan ng mga politiko noong nakaraang eleksiyon. Iyong mga naihalal na walang kaalaman sa batas at konstitusyon.
Si ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ay isang magsasaka. Namuhay sa lupang kinailangan pang bungkalin upang mamutawi ang buhay at pag-asa. Ang munting kubo na nasa libis ang naging kanlungan nila sa mga panahong binili sa mababang halaga ang ani ng ilang buwang pakikibaka sa tirik ng araw.
Si ๐๐ผ๐๐ฒ ay isang karaniwang mamamayan. Empleyado sa Maynila. Ang pamilya? Andoon sa probinsiya. Umaasa sa buwanang padala ng anak na nakipagsapalaran sa siyudad ng mga pangarap. Isang taong nakikipaglaban nang patas sa kabila ng madayang sistema na itinatag ng mga taong pinili ng taumbayan upang ingatan ang dignidad ng inang bayan.
Si ๐๐๐ฎ๐ป ay isang huwarang mag-aaral. Iskolar na nais masumpungan ang bayang nararapat para sa mga kagaya niyang pag-asa ng bayan.
Hanggang sa dumating ang isang bagyo, mapaminsala, isang delubyo. Si Maria ay nawalan ng bahay, si Pedro ay nawalan ng kabuhayan, si Jose ay napatigil sa paghahanap-buhay, at si Juan ay walang magawa kundi itigil ang pagsisikhay.
Ngunit dahil ang Pilipino ay kilala sa pagiging matatag, babangon sila pagkatapos ng bagyo na para bang ang problema ay isang baha na hindi magtatagal ay humuhupa. Maiiwan ang maruming putik at masangsang na basurang magdudulot ng mantsa sa pagkatao nila. Dahil sa lipunang nalugmok sa karumihan, mas matatag ang mga taong pinipiling lumusong sa kahirapan. Bibigyan sila ng papuri na tila nais iparating na ang pagtitiis ay dapat ipagdiwang at ipamana sa mga susunod pang mga henerasyon.
Ang pagtitiis at katatagan ng mga Pilipinoโ bagaman hindi, ay nagpapahiwatig ng mensahe na sapat na ang kaunting serbisyo kapalit ng pansamantalang kagipitan. Ito ay nagiging katuwiran ng pamahalaan na gumawa ng kaunti dahil bilang mga indibiduwal na matatag ay kaya nating magtiis sa payak na tulong. Ngunit hindi tayo lumaya sa mga mananakop na banyaga upang magdiwang sa patak-patak na ambon, dahil umuulan sana ng pagkakataon sa bansang pinagpala na gaya natin. ๐๐ข๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐ข๐ง๐๐๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ.
Ang maliit na ayuda, ang panandaliang solusyon, at ang paulit-ulit na pangakong hindi natutupad ay hindi kailanman magiging kapalit ng maayos na serbisyo publiko. Hindi dapat sinusukat ang husay ng isang pamahalaan sa dami ng mamamayang marunong magtiis, kundi sa kakayahan nitong tiyakin na hindi na nila kailangang magtiis pa. Ang resilience ay katangian ng tao, ngunit ang mabuting pamamahala ay obligasyon ng estado.
Kapag nasira ang mga bahay at nawalan ng mga mahal sa buhay, hindi natin kailangan ng pagpupuri dahil nagawa nating magpatuloy. ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ๐ก๐๐ญ๐ข๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐๐ง. ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐ฉ๐๐ค๐๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ง.
๐๐๐ฒ๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐๐๐ซ๐จ, ๐๐จ๐ฌ๐, ๐๐ญ ๐๐ฎ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐ง๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐, ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐ง๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐ข๐ฒ๐๐ค ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ.
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ, ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ค๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ, ๐๐ญ ๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐. ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ซ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐๐๐ง๐จ ๐ค๐๐๐ฎ๐ฆ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ.
๐๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐จ๐?
๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ค๐ ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฌ?
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ญ, ๐๐๐ค๐ข๐ญ?
๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ฎ๐, ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฎ๐, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐!
Isinulat ni:
Reinne Martin A. Palma ng CvSU-GTC
Merylle Angela M. Umali ng DLSP
Likha ni:
Princess Carol M. Jimenez ng SSCRdC
Jenelle S. Rodriguez ng NU-Lipa