03/10/2026
HIGHLIGHTS | COMMUNITY KITCHEN DAY 1 AND DAY 2
Sa panahon ng pangangailangan, ang isang mainit na pagkain ay higit pa sa simpleng tugon sa gutomโito ay paalala na may komunidad na handang makiisa at tumindig kabilang ang kapuwa.
Noong ika-25 at ika-26 ng Setyembre, isinagawa ang Community Kitchen: Hot Meals for Calamity-Affected Communities sa Hagonoy, Bulacan at Calumpit, Bulacan, kung saan nakapaghatid ng humigit-kumulang 300 packs ng hot meals para sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Isinagawa ang inisyatibang ito sa pakikipagtulungan at pangunguna ng Bayanihan Tayo Committee (BTC) ng Lokal na Konseho ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), College of Hospitality and Tourism Management (CHTM), College of Engineering (COE), College of Sports, Exercise, and Recreation (CSER), at Meneses Campus. Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong mula sa mga nagbigay ng donasyon, Project Heads, volunteers, hanggang sa bawat kamay na naging bahagi ng paghahanda, pag-iimpake, at pamamahagi ng mga pagkain.
Ang Community Kitchen ay patunay na sa gitna ng anumang pagsubok, mas nagiging makabuluhan ang serbisyo kapag sama-sama itong isinasagawa. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa munting pagkilos na naging malaking tulong para sa ating mga kapwa.
Para sa mas marami pang bayanihan, magkita-kita tayong muli.