27/09/2026
๐ฟ "Ingatan ang kalusugan sa malinis na kapaligiran. Sa bawal na droga, mabuti ang may kaalaman." ๐
Matagumpay na naisagawa ng mga opisyal ng Barkada Kontra Droga (BKD) ng Cristina David Pascual National High School (CDPNHS) ang 2026 BKD Officers Clean-Up Drive in School Premises noong Setyembre 21 hanggang 25, 2026.
Layunin ng gawaing ito na panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang ating paaralan upang maiwasan ang anumang karamdaman at makalikha ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral. Kasabay nito, ipinapahayag ng BKD ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman laban sa masamang epekto ng bawal na droga sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga positibo at makabuluhang gawain.
Maraming salamat sa lahat ng opisyal at g**o na nakiisa at nagpakita ng dedikasyon sa proyektong ito! ๐งนโจ