24/03/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ฐ-๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ.
Matagumpay na naisagawa ng Federation of 4-H Clubs ang kanilang General Assembly na may temang โGrowing Stronger Togetherโ noong ika-22 ng Marso 2026 sa Command Center, Brgy. Conchu. Ang nasabing pagtitipon ay naging makabuluhang selebrasyon ng ika-1 anibersaryo ng organisasyon, kung saan itinampok ang kanilang mga nagawa sa loob ng isang taon at ang patuloy na paglago ng kabataang aktibo sa sektor ng agrikultura.
Sinimulan ang programa sa mga mensahe ng suporta mula kina Hon. Jay-Em C. Cunanan, Hon. Poyi Buendia, Hon. Kim Paulo Lubigan, at Hon. AJ Humarang. Naging panauhing pandangal din si 7th District Board Member Camille Del Rosario na nagbigay ng inspirasyonal na talumpati, kung saan tiniyak niya ang patuloy na bukas na suporta ng kanyang tanggapan para sa organisasyon at kinilala ang dedikasyon ng kabataan sa larangan ng agrikultura.
Bago ang bahagi ng project pitching, ipinakilala ng 4-H Club CALABARZON Coordinator at RBO Focal/Development Management Officer I ng DA-ATI CALABARZON ang Agricultural Training Institute (ATI) sa mga miyembro ng pederasyon. Ibinahagi nila ang ibaโt ibang programa at oportunidad na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng kabataan, kasabay ng kanilang pagpapahayag ng buong suporta sa mga adbokasiya ng 4-H Clubs sa rehiyon.
Isa sa mga tampok ng programa ang jingle competition kung saan ipinakilala ng bawat komite ang kanilang sarili sa malikhaing paraan. Sinundan ito ng project pitching competition, kung saan naglahad ang bawat komite ng ibaโt ibang panukalang proyekto mula sa ibaโt ibang kategorya na layong makatulong sa komunidad.
Tinapos ang programa sa pamamagitan ng closing remarks mula kay Federation President Joseph James Mabanan, na nagbigay-diin sa patuloy na pagkakaisa at serbisyo ng mga kasapi. Ang buong programa ay pinangunahan ng Committee on Internal Affairs sa pamumuno ni VPIA Jea M. Garino, na naging susi sa tagumpay ng nasabing gawain.