Manila Anti-Incinerator Alliance

Manila Anti-Incinerator Alliance Support the community of Smokey Mountain! Sign the petition to stop the planned waste-to-energy incinerator: https://c.org/YWjfHvdTCZ

04/07/2026
Step Into "π™‰π™€π™©π™π™žπ™£π™œ π˜Όπ™—π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨 π™’π™žπ™©π™π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨," a One-Day Photo Exhibition on the Environmental and Social Impacts of the Propo...
04/07/2026

Step Into "π™‰π™€π™©π™π™žπ™£π™œ π˜Όπ™—π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨 π™’π™žπ™©π™π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨," a One-Day Photo Exhibition on the Environmental and Social Impacts of the Proposed Waste-to-Energy (WTE) Project on Smokey Mountain.

Today only until 5:00 PM!

Step Into "π™‰π™€π™©π™π™žπ™£π™œ π˜Όπ™—π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨 π™’π™žπ™©π™π™€π™ͺ𝙩 𝙐𝙨," a One-Day Photo Exhibition on the Environmental and Social Impacts of the Proposed Waste-to-Energy (WTE) Project on Smokey Mountain.

For one day only, join us on July 4, 2026, for a compelling photo exhibition that amplifies the voices, resilience, and lived realities of Smokey Mountain residents. The exhibition features powerful documentary photographs by π™ˆπ™šπ™§π™–π™ π™ž π™ˆπ™šπ™™π™žπ™–, under the direction and curation of Vijoh Fame Mora of Meraki Media. Through compelling images and community narratives, the exhibition invites everyone to reflect on environmental justice and the importance of ensuring that communities are at the center of decisions that affect their lives.

πŸ—“ Date: July 4, 2026
πŸ•˜ Time: 9:00 AM – 5:00 PM
🎟 FREE Admission | Open to the Public
πŸ“ Pre-register here: https://forms.gle/TU4gbec4cVvUqnsn8

Be part of this one-day experience and witness stories of survival, resilience, and hopeβ€”because nothing about communities should ever be decided without them.

03/07/2026
03/07/2026

🚨 ALERT 🚨

Nakatanggap ng ulat ang BAYAN-Manila na pinagbantaan kaninang umaga ng mga guwardya ng RII Builders ang mga residente ng Marala, Brgy. 128, Smokey Mountain na babaklasin ang kanilang mga bahay. Ayon umano sa nagpapakilalang Officer-In-Charge ng mga guwardya na si Marissa Montis, magsisimula bukas ang pagbabaklas.

Walang pinakitang court order o anumang papeles ang anim na guwardiyang nag-ikot at nagbanta ng pagbabaklas sa mga resident.

Ang Marala at ang buong Smokey Mountain ay kumakaharap sa banta ng pagpapalayas dahil sa mga proyektong Waste-to-Energy (WTE) incinerator facility at land rehabikitation na tinutulak ni Reghis Romero at aprubado ni Marcos Jr.

Labag din ito sa proseso ng pagkonsulta sa mga residenteng tumututol sa paggiba ng kanilang tirahan. Sa July 9 dapat magaganap ang ikalawang public scoping hinggil sa Smokey Mountain Land Rehabilitation Project na layong patagin ang bundok na pagtatayuan ng WTE facility, ngunit wala pa man ito ay nagsisimula nang manakot at sapilitang magpalayas ng R-II Builders sa lugar.

Iginiit din ng Samahan ng Maralita sa Upper Smokey Mountain (SMUSM) na ang pagtanggap ng ilan sa kabayaran ay hindi nangangahulugang maaari na silang paalisin, dahil naganap ito sa gitna ng panlilinlang, pananakot, at kawalan ng sapat na kaalaman sa kanilang mga karapatan.

Mahigpit na binabantayan ng BAYAN-Manila ang sitwasyon at patuloy na magbibigay ng mga update.

29/06/2026
29/06/2026

Rappler is driven by uncompromising journalism, and we power communities of action. Your community in your pocket.

29/06/2026
29/06/2026

π—œπ—§π—œπ—šπ—œπ—Ÿ π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—•π—”π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—₯π—”π—£π—”π—§π—”π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗧𝗔𝗒 𝗦𝗔 π—¦π— π—’π—žπ—˜π—¬ π— π—’π—¨π—‘π—§π—”π—œπ—‘! π—₯-π—œπ—œ π—•π—¨π—œπ—Ÿπ——π—˜π—₯𝗦, π—£π—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—¦π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—žπ—’π— π—¨π—‘π—œπ——π—”π—— π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”!

Mariing kinukundena ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Manila ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao ng mga residente ng Smokey Mountain upang isulong ang mga proyektong WTE Incinerator at Land Rehabilitation sa lugar na nagbabanta sa paninirahan, kabuhayan, kalusugan, at kalikasan ng mga naninirahan dito.

Nitong taon lamang ay may inilunsad na pulong ang LIAC kasama ang mga lokal ng Smokey Mountain kung saan nagpahayag ng pagtutol ang mga residente sa pagbababa ng equipment ngunit kalauna’y hindi rerespetuhin ng R-II Builders ang tindig ng mamamayan. Ang pagpasok ng mga makinarya sa komunidad habang hindi kinikilala ang tinig ng mga residente ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa kanilang mga demokratikong karapatan. Sa halip na maging katuwang ang mamamayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kanilang komunidad, sila pa ang itinuturing na hadlang sa mga proyektong hindi nila pinahintulutan.

Lalong nakakabahala ang mga ulat ng pananakot, pagbabanta, at iba pang anyo ng panggigipit sa mga residenteng nagtatanong at tumututol sa mga isinasagawang operasyon. Mayroong mga ulat ang komunidad kung saan tinutukan ng baril ng tinaguriang β€œTeam Baklas” ang isang residente at tahasang panghaharas ang ginagawa sa mga residente upang gibain ang kanilang tirahan sa pamamagitan ng sapilitan at mapanlinlang na mga pamamaraan. Ang mga pribadong gwardiya naman ng R-II Builders Inc. ay nagpaputok ng baril sa komunidad at nagpasabog ng kemikal na nagdulot ng sakit sa isang bata sa magkahiwalay na panahon.

Ang paggamit ng kapangyarihan ng R-II Builders upang patahimikin ang lehitimong pagtutol ng mamamayan ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap. Ang karapatang magsalita, magtipon, at ipagtanggol ang sariling komunidad ay mga batayang demokratikong karapatan na dapat igalang at protektahan.

Katuwang ni Reghis Romero II ang chairman ng Barangay 128 na si Sigfred β€œBobby” Hernane, Manila Mayor Isko Moreno, at pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusulong ng ng mga proyektong nakakapaminsala sa buhay ng mga residenteng kanilang dapat na pinagsisilbihan. Sa halip na tugunan ang matagal nang kahilingan ng mamamayan para sa disenteng pabahay at makamasang serbisyong panlipunan, inuuna ng gobyerno ang pagpanig sa mga kapitalista tulad ni Reghis Romero II sa paghahanda ng lugar para sa mga proyektong magsisilbi sa interes ng malalaking negosyo.

Anumang rehabilitasyon at proyekto ay dapat nakabatay sa karapatan ng mamamayan, hindi sa interes ng iilang korporasyon o negosyante. Walang makatarungang rehabilitasyon kung ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pananakot, panlilinlang, o paglabag sa karapatang pantao. Ang tunay na pag-unlad ay nakasalalay sa malaya, makabuluhan, at demokratikong partisipasyon ng mga mamamayang siyang pangunahing maaapektuhan ng anumang proyekto.

Nanawagan ang BAYAN Manila sa lahat ng kinauukulang ahensya na agarang itigil ang paglagak at paggamit ng mga kagamitan at operasyon sa Smokey Mountain na walang pahintulot at pagsang-ayon ng mga residente. Dapat na itigil sa kagyat ang anumang porma ng paglabag sa karapatang pantao ng mga komunidad at agarang mapanagot ang mga maysala. Walang espasyo ang R-II Builders Inc. sa mga maralitang komunidad na kanilang pilit na inaangkin kaya’t nararapat lang na sila’y palayasin dito.

Kaisa ng BAYAN Manila ang mga residente ng Smokey Mountain sa kanilang makatarungang laban para sa kanilang paninirahan, kabuhayan, kalusugan, at kalikasan. Patuloy nating ipagtanggol ang ating karapatan laban sa anumang anyo ng panunupil!

R-II BUILDERS, PALAYASIN!
ITIGIL ANG ATAKE SA MARALITA!
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!

29/06/2026

Address

Tondo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila Anti-Incinerator Alliance posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share