18/10/2025
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฅ๐๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ต๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ
Dahil po sa epekto ng Bagyong at para na rin po sa kaligtasan ng lahat, ang Run for Good Governance and Ethical Leadership na nakatakda sana bukas, October 19, 2025, ay pansamantalang ipinagpapaliban.
Ang bagong petsa ng Fun Run ay iaanunsyo po sa Lunes, matapos po naming makipag-ugnayan sa Local Government Unit ng Tiaong kaugnay ng muling pagtatakda ng nasabing aktibidad.
Bilang isang organisasyong nagsusulong ng mabuting pamamahala at matapat na pamumuno, kami po ay naninindigan sa mga pagpapahalagang responsibilidad, katapatan, at malasakit sa kapakanan ng publiko. Kaugnay po nito, ang pagpapasyang ito ay ginawa para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng kalahok at katuwang ng programa.
Ipinababatid din po namin na walang refund na ipagkakaloob sapagkat ang mga race kits ay nabili na po namin at nasa amin na rin po. Gayunpaman, muling bubuksan po ang registration upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na gusto pang makibahagi sa Fun Run, sa sandaling magkaroon ng final at bagong petsa.
Para naman po sa mga nakapagregister na, si Sheira Atienza po ay magpapadala ng direktang mensahe sa inyo upang ipabatid ang mga karagdagang detalye tungkol sa pagpapaliban ng aktibidad.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito at lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Nawaโy manatili po tayong ligtas at patuloy na isabuhay ang diwa ng mabuting pamamahala at makataong pamumuno.
-Kaya Natin! Youth Tiaong Executive Committee