08/01/2026
Ang pagkamatay ni Agnes Buenaflor habang isinasailalim sa classroom observation ay hindi lamang isang malungkot na insidente; ito ay salamin ng mas malalim at estruktural na krisis sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Sa sosyolohikal na lente, ang pangyayaring ito ay hindi maaaring ituring na โisolated caseโ o simpleng usapin ng kalusugan ng isang indibidwal. Sa halip, ito ay produkto ng institutional pressures, labor intensification, at kultura ng performativity na matagal nang bumabalot sa propesyon ng pagtuturo.
Sa ilalim ng DepEd Memo No. 89-2025, ang periodic walkthroughs at full-period classroom observations ay ipinapatupad bilang mekanismo ng kalidad at accountability. Ngunit sa praktika, nagiging instrumento ito ng surveillance at kontrol, kung saan ang g**o ay hindi lamang nagtuturo kundi patuloy na sinusukat, minamarkahan, at hinuhusgahan. Sa ganitong kalagayan, ang silid-aralan ay hindi na ligtas na espasyo ng pagkatuto kundi nagiging entablado ng permanenteng evaluasyon.
Mula sa perspektiba ng labor sociology, malinaw ang work intensification sa hanay ng mga g**o: mataas na teaching load, mabigat na paperwork, administrative tasks, emotional labor, at ngayonโang pressure ng formal observations na kadalasang may implikasyon sa ranking, promotion, at reputasyon. Ang katawan at isip ng g**o ay patuloy na itinutulak lampas sa makataong hangganan, habang ang estado ay umaasa sa diskursong โdedikasyonโ at โbokasyonโ upang gawing normal ang labis na sakripisyo.
Sa konteksto ng kulturang Pilipino, pinalalala ito ng norma ng โtiisโ at โutang na loobโ, kung saan ang g**o ay inaasahang magpakasakripisyo โpara sa mga bataโ kahit kapalit ang sariling kalusugan. Ang ganitong moral framing ay nagiging mapanganib sapagkat nililihis nito ang pananagutan mula sa institusyon patungo sa indibidwal. Kapag may trahedya, ang naratibo ay nagiging โnamatay sa pagtupad ng tungkulin,โ sa halip na tanungin: Bakit kailangang mamatay ang isang g**o para patunayan ang kanyang dedikasyon?
Ang panawagan ng Teachersโ Dignity Coalition na suriin muli ang polisiya ay mahalagang hakbang, sapagkat inilalantad nito ang power imbalance sa loob ng edukasyonal na burukrasya. Ang kalidad ng edukasyon ay hindi maaaring ihiwalay sa kalagayan ng mga g**o. Walang tunay na reporma kung ang pangunahing tagapaghatid ng kaalaman ay patuloy na nilulunod sa takot, stress, at pagod.
Sa huli, ang pagkamatay ni Agnes Buenaflor ay dapat magsilbing kolektibong pagmulat. Hindi sapat ang pag-alala at pagpupugay; kailangan ang istruktural na pagbabagoโmakataong evaluation systems, participatory policy-making, at tunay na paggalang sa dignidad ng g**o bilang manggagawa. Sapagkat sa isang lipunang makatarungan, hindi sinusukat ang kalidad ng edukasyon sa dami ng obserbasyon, kundi sa kakayahan ng sistema na alagaan ang mga taong bumubuhay dito.
โSHE LOST HER LIFE WHILE FULFILLING HER DEDICATION TO EDUCATIONโ
Nasawi ang isang g**o matapos umanong himatayin sa gitna ng classroom observation sa Pedro E. Diaz High School sa Muntinlupa nitong Miyerkules, January 7.
Ayon sa pahayag ng Schools Division Office sa Muntinlupa, nadala pa sa ospital ang g**ong si Agnes Buenaflor pero pumanaw rin.
โMs. Buenaflor was not only a remarkable educator but also a cherished mentor who profoundly impacted the lives of countless students and colleagues alike,โ saad nila.
Sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Memo. 89-2025, obligado ang lahat ng mga g**o na sumailalim sa periodic walkthrough at full-period classroom observations.
Nauna nang kinondena ng Teachersโ Dignity Coalition ang insidente at nanawagan sa DepEd na suriing muli ang polisiya nito sa classroom observations.