KAISA PRIDE

KAISA PRIDE Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KAISA PRIDE, Nonprofit Organization, Tarlac.

28/12/2025

Nakakatuwang makatanggap ng ganitong pagkilala. Mas lalo po akong na-inspire na maglingkod nang tapat at may malasakit. Maraming salamat po sa inyong lahat. 🙏🏻❤️😇

28/12/2025
24/12/2025

Maligayang Pasko po sa inyong lahat!🎄✨

Sa gitna ng saya at pagsasama, nawa’y mapuno ng pasasalamat, kapayapaan, at pag-asa ang inyong mga puso. Sana’y maramdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko—pagmamahal, pagbabahagi, at malasakit sa isa’t isa.

Isang mainit na pagbati at dasal para sa inyo at sa inyong pamilya. 💖😇

23/12/2025

Sa ating mga mahal na OFWs, alam ko po ang bawat sakripisyo at pangungulila ninyo sa likod ng inyong pagtatrabaho. Kaya naman bilang isa sa mga may-akda ng HB 6643 o ang Bagong Balikbayan Act, ang aking layunin ay malinaw: dahil ang bawat sakripisyo ninyo sa ibang bansa ay dapat magbunga ng masiglang pamumuhay dito sa ating sariling bayan. 🇵🇭❤️

Hindi lang ito basta batas; ito ay ating pangako na sa inyong pag-uwi, may sistemang yayakap sa inyo:

Handang Kabuhayan: Anim na buwan bago kayo umuwi, may nakalaan nang plano para sa inyong trabaho o negosyo.

Pagkilala sa Galing: Ang inyong skills mula abroad ay kikilalanin ng CSC at TESDA para sa mas magandang oportunidad dito sa atin.

Tunay na Kalinga: Dokumentado man o hindi, lahat ay may access sa pautang, pagsasanay, at proteksyon.

Ang pangarap ko po-- ang inyong pagbabalik ay maging isang "Home for Good" na puno ng katiyakan at ligaya kasama ang inyong pamilya. 🏠✨

Katuwang ninyo ako sa inyong bagong simula.

22/12/2025

Happy Monday! 🌼💙

Isang bagong linggo na naman po ang ating sinasalubong—panibagong pagkakataon para magbahagi ng malasakit, pag-asa, at serbisyo. Nawa’y magsilbing paalala ang araw na ito na sa bawat munting kabutihan, may malaking pagbabago tayong nagagawa para sa isa’t isa.

Magandang umaga at mabiyayang Lunes po sa inyong lahat. Sama-sama tayong magpatuloy, may ngiti sa puso at malasakit sa kapwa. ❤️🙏🏻

15/12/2025

Isa pong payak ngunit makabuluhang pagbisita ang ating dinaluhan sa tanggapan ni House Speaker Bojie Dy, na pinuno ng bukas na usapan at taos-pusong pakikinig. Tinalakay ang mahahalagang usaping malapit sa puso ng komunidad, na may iisang layunin—ang mas maayos at malasakit na paglilingkod sa mamamayan.

Sa ganitong mga pagkakataon, mas pinagtitibay ang paniniwalang ang tunay na liderato ay nagsisimula sa pakikinig at nagtatapos sa pagkilos para sa kapwa. ❤️

14/12/2025

Hindi tayo inilagay sa mas mataas na kalagayan para manghusga, kundi para tumulong at mag-angat ng kapwa.


13/12/2025

Marami tayong hinarap, marami pang haharapin. Pero ang tiwala n’yo—’yan ang lakas kong hindi nauubos. Tuloy lang tayo sa laban.

Address

Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAISA PRIDE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share