20/03/2026
๐ฉท
Kung babanggitin ang pangalan ng bayan ng Camiling, sinong kilalang karakter ang una mong naiisip?
Para sa marami, ito ay si Maria Clara โ ang kilalang tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Josรฉ Rizal. Si Maria Clara ay kinikilalang simbolo ng kagandahan, kabaitan, at tradisyunal na dangal ng kababaihang Pilipina. Sa mga kuwento ng kasaysayan at panitikan, sinasabing ang bayan ng Camiling ang isa sa mga naging inspirasyon sa pinagmulan ng karakter na ito.
Bilang pagkilala sa mahalagang ugnayang ito sa kasaysayan at kultura, ilulunsad ang kauna-unahang Maria Clara Festival sa Camiling mula Mayo 2 hanggang 8, 2026. Layunin ng pagdiriwang na ito na ipaalala at ipagmalaki ang mayamang pamana ng bayan sa larangan ng panitikan, kasaysayan, at kultura.
Ang Maria Clara Festival ay opisyal nang isinabatas o institutionalized sa pamamagitan ng isang ordinansa ng pamahalaang bayan, na nagpapatibay na ito ay magiging taunang pagdiriwang ng Camiling. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang kwento at simbolismo ni Maria Clara ay patuloy na maipapasa at mapapahalagahan ng mga susunod na henerasyon ng mga Camileรฑio.
Para sa mga updates at information i-follow ang official Facebook ng Maria Clara Festival (https://www.facebook.com/profile.php?id=100081751335249)