FITS Tanay

FITS Tanay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FITS Tanay, Community Organization, Tanay Municipal Compound, M. H. Del Pilar Street, Tanay.

07/04/2026
Pagbati sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Tanay at sa aming kasamahan na si G. Joven S. Reyes, na binigyang pagkil...
07/04/2026

Pagbati sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Tanay at sa aming kasamahan na si G. Joven S. Reyes, na binigyang pagkilala ng DA-Calabarzon sa katatapos na 50th Gawad Saka ng Department of Agriculture.


Tagumpay para sa Agrikultura!
Isang pagkilala mula sa Department of Agriculture CALABARZON para sa ating Municipal Agriculture Office - Tanay at kay G. Jovencio Reyes (Shortlisted Outstanding AEW) sa ika-50 National Gawad Saka. Patunay ito ng tapat at mahusay na serbisyo para sa mga magsasaka ng Tanay.

06/04/2026

Ka-Palay, hindi na kailangang magspray ng lason kung ang lumabas sa itlog ng stemborer ay mga maliliit na putakti. 😌🌾







06/04/2026

Tagumpay para sa Agrikultura!
Isang pagkilala mula sa Department of Agriculture CALABARZON para sa ating Municipal Agriculture Office - Tanay at kay G. Jovencio Reyes (Shortlisted Outstanding AEW) sa ika-50 National Gawad Saka. Patunay ito ng tapat at mahusay na serbisyo para sa mga magsasaka ng Tanay.

Sa pakikipag-ugnayan ng DA-Calabarzon Research Division, katuwang ang Lipa Agricultural Research and Experiment Station,...
13/03/2026

Sa pakikipag-ugnayan ng DA-Calabarzon Research Division, katuwang ang Lipa Agricultural Research and Experiment Station, ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Tanay ay nagsagawa ng Pagpupulong at Site Validation sa So. Pantay Upland/Lowland Farmers Association sa So. Pantay, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal para sa gagawing pananaliksik ukol "Scale up High-yielding Ädaptive Irrigated, In**ed and Saline Rice Varieties". Bahagi rin nito ang pangangalap ng mga base-line data sa mga magsasaka na magsisilbing cooperator ng proyekto.




 Katuwang ang Provincial Veterinary Office ng Rizal, nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Surveillance and...
13/03/2026



Katuwang ang Provincial Veterinary Office ng Rizal, nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Surveillance and Monitoring sa mga nag-aalaga ng Itik, Manok at Bibi sa Barangay Wawa at Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal bilang tugon sa pagpapanatili ng ating bayan sa pagiging Avian Influenza Free Municipality.


Nakibahagi ang Tanay, Rizal sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ...
11/03/2026

Nakibahagi ang Tanay, Rizal sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Plaza Aldea sa Nationwide Simultaneous Anti-Rabies Vaccination para sa mga A*o at Pusa na ginanap sa House Ville, Sitio Daong, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal na ginanap ngayong Marso 11, 2026.

Total Animal Vaccinated: 107
Dogs: 82
Cats: 25

Total Client Served: 58
Male: 17
Female: 41




Sa buwan ng Kababaihan ipinagdiriwang natin ang lakas, at malasakit ng bawat babae. Sila ay tagapag-alaga, propesyunal, ...
11/03/2026

Sa buwan ng Kababaihan ipinagdiriwang natin ang lakas, at malasakit ng bawat babae. Sila ay tagapag-alaga, propesyunal, katuwang sa pagbabago ng kumunidad. karapat-dapat silang igalang, pahalagahan, pakinggan at hindi dapat minamaliit.

Ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at FITS Tanay ay kinikilala ang kontribusyon ng bawat kabababaihan sa Sektor ng Agrikultura, pinaparangalan natin ang mga babaeng may pusong namumuno sa tahanan, sa trabaho at pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan.

Ang inyong presensya ay lubos na nagbubukas ng kaaya-ayang pamayanan para sa kaunlaran ng sektor na tumutugon para sa suplay ng pagkain.

Maraming salamat sa mga kababaihang ito sa kanilang mga kontribusyon.




March is Rabies Awareness Month.
10/03/2026

March is Rabies Awareness Month.




Anti Rabies Vaccination para sa mg A*o at Pusa sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal (So. Seatto Hills, So. Sibana, So. Hinady...
10/03/2026

Anti Rabies Vaccination para sa mg A*o at Pusa sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal (So. Seatto Hills, So. Sibana, So. Hinadyungan, So. Macaira, So. Malapapaya, So. Masanting, So. Lalabasin at So. Mala-Anonang) mula Pebrero 24 hanggang Marso 6, 2026.

Total Animal Vaccinated: 725
Dogs: 579
Catas: 145
Monkey: 1

Total Client Served: 281
Male: 101
Female: 180




Let's make our town Rabies Free....Pet lover's mark your calendar.Make your dogs and cat vaccinated.
09/03/2026

Let's make our town Rabies Free....
Pet lover's mark your calendar.
Make your dogs and cat vaccinated.




Pang-Apat na Learning Site for Agriculture (LSA) sa Bayan ng Tanay, Rizal inilunsad....Kinilala ang THE APIARY MOUNTAIN ...
27/02/2026

Pang-Apat na Learning Site for Agriculture (LSA) sa Bayan ng Tanay, Rizal inilunsad....

Kinilala ang THE APIARY MOUNTAIN CAMP AND FARM sa Sitio Maysawa, Brgy. Cuyambay bilang bagong Learning Site for Agriculture sa Bayan ng Tanay, Rizal. Tampok sa paglulunsad na ito ang paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng may-ari ng The Apiary Mountain Camp and Farm at ATICalabarzon

Ang paglulunsad at paglagda ng MOU ay pinangunahan ni Dr. Rolando V. Maningas, ang Center Director ng ATICalabarzon, Bb. Ma. Nica Francesca Mandilag, Co-Owner ng The Apiary Mountain Camp and Farm na sinaksihan ni G. Severino Ocampo Jr., Executive Assistant ni Kgg. Rex Manuel C. Tanjuatco (Punong Bayan ng Tanay). Dumalo rin sa gawain sina Kgg. Elisa Rivera, (Kagawad, Brgy. Cuyambay), mga kawani ng Pambayang Agrikultor ng Tanay at BSWM-Cuyambay Research Station.



Address

Tanay Municipal Compound, M. H. Del Pilar Street
Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Tanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share