01/06/2026
โ๐๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐จ, ๐๐๐ ๐จ๐ญ ๐๐จ!โ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐
Isang makabuluhang proyekto na naglalayong suportahan ang edukasyon ng kabataan. Kahapon, Mayo 31, 2026, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tambac ang pamamahagi ng libreng basic school supplies para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang kolehiyo, bilang bahagi ng programa.
Humigiโt kumulang isang libong estudyante mula sa iba't ibang antas ng pag-aaral ang nakatanggap ng basic school supplies โ isang simpleng tulong ngunit may malaking epekto sa kanilang paglalakbay sa edukasyon tungo sa mas aktibo at progresibong kabataan.
Sa gitna ng patuloy na pagharap sa hamon ng buhay, layunin ng proyektong ito na maiparamdam sa bawat kabataang Tambaqueรฑo na hindi sila nag-iisa. Ang Sangguniang Kabataan ay katuwang ng ating mga magulang at handang tumugon, umalalay, at magtaguyod ng makabuluhang pagbabago.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong, sumuporta, at naging bahagi ng tagumpay ng programang ito. Sama-sama nating buuin ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Paalala: Para sa mga estudyanteng hindi pa nakakakuha ng kanilang mga gamit pang eskwela, mangyari lamang na hintayin ang aming opisyal na anunsyo patungkol sa susunod na iskedyul ng pamamahagi ng mga hindi pa nakuhang gamit pang-eskwela. Maraming salamat, kabataan! ๐๐ปโโ๏ธ
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง!