30/10/2026
ISANG TRADISYON NG PAGTUTULUNGAN.
Sa paggunita ng Undas 2026, muling naghatid ng libreng pintura at meryenda ang ating mga minamahal na lider ng Pwersa ng Pag-asa para sa mga kababayan nating dumadalaw sa mga sementeryo.
Isa na itong tatlong taong tradisyon—isang simpleng paraan ng pakikiisa at pagbibigay-pansin sa ating mga kababayan sa panahong inaalala natin ang mga mahal natin sa buhay.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng oras, tulong, at pagmamahal.
Dahil ang tunay na diwa ng pagtutulungan ay hindi lang nasusukat sa laki ng naibibigay, kundi sa pusong handang magbahagi.💙❤️💛
Ingat po ang lahat ngayong Undas. 🕯️🙏