SerMon PH

SerMon PH Advice, na may tambutso.
(1)

06/08/2026

Wala naman sanang problema sa Multi-Homing o sa paggamit ng maraming apps ng mga riders, kung ang tunay na intensyon ay mapabuti ang kapakanan ng komunidad.

Yun nga ba talaga?
Sana maging tapat tayo sa usapan.

Kung gagamitin ang argumentong iyan para pagtakpan ang isyu ng overboarding, ibang usapan na 'yan. Magkaibang isyu ang accountability at multi-homing.

Magaling nga naman—kapag naitulak ang multi-homing, parang natabunan na ang usapin ng overboarding. Alam na natin ang ibig sabihin niyan. Hindi tayo pinanganak kahapon.

Simple lang naman para maging patas sa lahat:

✅ YES TO ACCOUNTABILITY
— Dapat mapanagot ang nag-overboard.

✅ YES TO MULTI-HOMING
— Kapag naipatupad ang accountability.

Kapag umiral ang hustisya, saka lang magiging fair and square ang kompetisyon para sa lahat.

Mga masasakit na katotohanan bilang isang Motorcycle Taxi Biker:Sa mga sunod-sunod na balita ng mga biker na pumanaw, pa...
18/07/2026

Mga masasakit na katotohanan bilang isang Motorcycle Taxi Biker:

Sa mga sunod-sunod na balita ng mga biker na pumanaw, paalala lang ito para sa ating mga kapatid na mctaxi bikers:

1. Hindi ito para sa lahat.
Para lang ito sa masipag, matiyaga, disiplinado, may dedikasyon, at mahabang pasensya. Kung kulang ka sa mga iyan, malamang hindi ka rin magtatagal. Magrereklamo ka lang, susuko, o matatanggal.

2. Mas masipag, mas delikado.
Habang dumarami ang naisasakay mo, tumataas din ang posibilidad na makatagpo ka ng pasaherong may masamang intensyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, biyaya ang kapalit ng kasipagan.

3. Hawak mo ang oras mo, kaya hawak mo rin ang kita mo.
Kung madalang kang bumiyahe, huwag kang magreklamo na mababa ang kinita mo. Ang hanapbuhay na ito ay nagbibigay ng oportunidad sa masisipag. Kung maghapon kang tumambay, huwag kang umasa ng malaking kita.

4. "Extra income" kamo? Extra sakripisyo rin.
Hindi na gaanong praktikal ang pagiging part-timer. Sa baba ng pasahe, kakainin lang ng gasolina at top-up ang kita. Kadalasan, ang mga incentive ay pabor sa mga full-time na bumibiyahe.

5. Mahirap bumiyahe kapag umuulan, pero doon din madalas ang kita.
Paulit-ulit magsuot at maghubad ng kapote, para sa'yo at sa pasahero. Nakakapagod. Pero habang maraming umiiwas bumiyahe, mas dumarami naman ang booking para sa mga bumabyahe.

6. Ang traffic ay oportunidad, hindi kalaban.
Ayaw mong bumiyahe dahil traffic? Baliktad ang tingin mo. Kung walang trapik at mabilis ang lahat ng biyahe, mas kaunti ang pipili ng motorcycle taxi. Tandaan mo, kadalasan tayo ang pinipili dahil sa traffic.

7. Malaki ang tip kung maayos ang serbisyo mo.
Maraming pasahero ang nagsasabing, "Keep the change." Kung bihira mong maranasan, baka panahon na para suriin mo kung paano ka magserbisyo. Hindi nagbibigay ng tip ang pasahero sa bastos, tamad, o walang pakialam.

8. Malaking tulong ang pagsali sa grupo.
Diyan naipapasa ang diskarte, kaalaman, at mga update. Pero piliin mo rin ang sasalihan mo. Hindi lahat ng lider ay para sa kapakanan ng mga biker. May ilan na sariling interes lang ang inuuna.

9. Business partner ka, hindi empleyado.
Tantanan na ninyo ang linyang "freelancer" kayo. Umaasa ka sa app para magkaroon ng booking, at umaasa rin ang app sa maayos mong serbisyo para bumalik ang mga pasahero. Partner kayo. Gampanan mo ang parte mo. Maging ehemplo sa kalsada at mag-iwan ng magandang karanasan sa bawat pasahero.

10. Hindi ito panghabambuhay.
Darating ang panahon na hihina rin ang katawan mo. Habang malakas ka pa, mag-ipon, mag-invest, at magpundar ng negosyo o ibang mapagkukunan ng kabuhayan.

Kung may kontra ka sa mga 'to, ayos lang. Hindi lahat ng katotohanan masarap pakinggan. Pero kung puro reklamo ang ambag mo at ayaw mong magbago, baka hindi talaga para sa'yo ang hanapbuhay na ito. Tigilan mo pagiging biker —mangamuhan ka na lang ulit, iyakin!

Bakit noong siya ang nagsasalita ng kabastusan at paninira, ni hindi kayo umimik?Ngayong siya na ang nakakatikim ng sari...
17/07/2026

Bakit noong siya ang nagsasalita ng kabastusan at paninira, ni hindi kayo umimik?

Ngayong siya na ang nakakatikim ng sarili niyang estilo, buhay man yan o patay, bigla naman kayong galit na galit.

Napakakumbinyente naman ng moralidad mo, Atty.

Kapag pabor sa inyo, tahimik lang. Pero kapag sa inyo na bumalik, bigla ninyong tinatawag na mali.

Hindi prinsipyo ang ipinaglalaban ninyo. Pili lang kung kailan kayo naaapektuhan. Tanginang lohika yan. Abogado pa yan ha.

Mga hipokritong tunay.

17/07/2026

Araw-araw, may trending na balita ng patayan.

'Di ramdam ng mga nasa pwesto yan.

Protektado sila ng matataas na bakod sa mga executive villages nila.

Pakatatag tayo, mga kapatid.
22 months pa.
Pakiusap, bumoto ng tama (hindi ng may tama)

14/07/2026

GOBYERNO ay SINDIKATO.

04/07/2026

Ako lang ba?
— Bakit parang mas magaan ang buhay noong pandemic, kaysa ngayon?

02/07/2026

Praying for someone else's downfall is wrong in every way—morally and spiritually.

Nakakakilabot na may mga ganitong tao na ipinagdarasal ang kapahamakan ng kapwa.
— kongresista pa yang naturingan!

Instead of wishing them harm, pray for wisdom sana, healing, and justice.

Kilabutan ka sa ginagawa mo!

Dapat pala tinagalog mo na lang, para mas naintindihan ng mga tao, lalo't lalo na 'nung mga vloggers na galit-galitan ag...
18/06/2026

Dapat pala tinagalog mo na lang, para mas naintindihan ng mga tao, lalo't lalo na 'nung mga vloggers na galit-galitan agad, hindi naman inalam ang punto 🤣

Anyway, maiba tayo.

Kumusta ang 22% commission? 😭

07/06/2026

Kitang kita naman kung paano gumalaw ang galamay ng palasyo sa KONGRESO.

'Yung mga matatalino, nagiging b0b0.
'Yung mga b0b0, nagpapanggap na matatalino.
All for the money, t@ngina — PERA!

Tingin nyo, safe ang senado mula sa impluwensya ng palasyo?
Mga ulul!

Hindi naman daw nanghaharang, nagkataon lang na dadaan.Yung dadaan: LOL 🤣🤣🤣
04/06/2026

Hindi naman daw nanghaharang, nagkataon lang na dadaan.

Yung dadaan:

LOL 🤣🤣🤣

Address

Taguig
1630

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SerMon PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share