21/09/2026
🎉 JACKPOT ROUND NA, KABARANGAY! 🎉🐾
May nakita kang a*o o pusa na dumudumi sa kalsada o sa pampublikong lugar at hindi ito dinampot o nilinis ng nag aalaga? Huwag dedma—baka ikaw na ang susunod na JACKPOT WINNER! 🏆🐶
🎯 PAANO SUMALI?
1️⃣ MAGMASID 👀
Maging mapagmatyag sa paligid. Kapag may nakitang a*o o dumi ng a*o sa pampublikong lugar, tandaan ang lugar.
2️⃣ KUMUHA NG LARAWAN 📸
Kung ligtas, kumuha ng malinaw na larawan ng insidente at lugar.
3️⃣ MAG-REPORT 📱
Ipadala ang larawan sa Official page ng Barangay Wawa kasama ang:
📍 Lugar
📅 Petsa
⏰ Oras
📝 Maikling detalye ng insidente
4️⃣ JACKPOT ROUND! 🏆🎁
Kapag na-verify ang report at pa*ok sa mechanics ng programa, maaari kang mapabilang sa JACKPOT ROUND at magkaroon ng pagkakataong manalo ng premyo!
💚 ANO ANG LAYUNIN?
Hindi ito para manghiya o mang-away ng pet owner.
Ang layunin natin ay mahikayat ang bawat kabarangay na maging mapagmatyag, responsable at katuwang sa pagpapanatiling malinis ng ating kalsada at pampublikong lugar.
❌ Walang pang-iinsulto
❌ Walang public shaming
❌ Walang fake report
❌ Walang paglalabas ng personal na impormasyon
✅ Makakita. Mag-report. Makatulong. At baka ikaw ang manalo!
🐾 JACKPOT ROUND: Barangay Wawa Paw Patrol
Sama-sama para sa MALINIS NA BARANGAY WAWA! 💚💛