21/08/2026
🇵🇭PAGGUNITA KAY NINOY AQUINO | AGOSTO 21, 2026
Ngayong Agosto 21, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at sa kanyang tapang, paninindigan, at sakripisyo para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino, lalo na sa kabataan, ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang kanyang tapang na manindigan para sa tama. Ang kasaysayan ay hindi lamang dapat alalahanin, kundi dapat ding maging gabay upang mas pahalagahan natin ang kalayaan, pagkakaisa, at responsibilidad bilang mga mamamayan.
Hindi natin malilimutan ang kanyang sakripisyo at ang kanyang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas. 🇵🇭
Agosto 21, 2026 — Ninoy Aquino Day
Alalahanin ang nakaraan. Pahalagahan ang kalayaan. Ipagmalaki ang pagiging Pilipino.
✍️: Sct. Eustaquio, Mary Joy
🖼️: Sct. Romares, Jenz Myrrh & Sct. Labado Daniel