20/07/2026
Alhamdulillฤh, thumma Alhamdulillฤh! ๐ค
Naalala niyo pa ba ang mga batang lalaki na minsan ay inyong sinuportahan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Mahad Omar sa Baguio City?
Sa tulong at pahintulot ni Allah, kahapon ay isa na namang napakagandang bunga ng inyong kabutihan ang aming nasaksihan. Sila ay matagumpay nang nagtapos at ngayon ay mga certified Huffฤแบโmga kabataang naglaan ng kanilang buhay upang maisaulo ang Banal na Qur'an.
๐ Al Hafidh Eddisone Gandalibo
๐ Al Hafidh Zulkipli Dalangco
๐ Al Hafidh Borhan Delna Baumol
Kasama nila sa litrato ang President ng BYPO na si Kuya Boc at MDS Chapter Pioneer na si Akh Samer Siawan.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang kanila. Bahagi rin ito ng bawat sponsor, donor, at online supporter na nagtiwala at nagbahagi ng kanilang yaman, panahon, at panalangin.
Ang bawat talatang kanilang naisaulo, bawat luha ng pagod, bawat sakripisyo, at bawat tagumpay ay may bahagi rin kayo sa gantimpala, in shaa Allฤh.
Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang suportaโmaging ito man ay pinansyal, moral, o sa pamamagitan ng inyong patuloy na pagdarasal. Kayo ang naging daan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang ito na maging tagapagdala ng Qur'an at mga magiging lingkod ng Islam.
Dalangin namin na tanggapin ng Allah ang inyong kabutihan, pagpalain ang inyong kabuhayan, dagdagan ang inyong rizq, at gawin ang bawat halagang inyong naibahagi bilang แนฃadaqah jฤriyah na patuloy ninyong aanihin ang gantimpala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.
Hindi rito nagtatapos ang ating misyon. Marami pa tayong mga kabataang nangangarap na maging mga Huffฤแบ ng Qur'an. Nawa'y patuloy ninyo kaming samahan sa pagbibigay ng pag-asa at kaalaman sa susunod pang henerasyon.
Jazฤkumullฤhu Khayran sa lahat ng aming sponsors, donors, at online supporters. Kayo ay mahalaga sa bawat tagumpay na aming naipagdiriwang.
"Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan ay magkakaroon ng gantimpalang katulad ng gantimpala ng gumawa nito." (Muslim)
๐คฒ Nawaโy tanggapin ng Allah ang inyong mga sakripisyo at gawin kayong kabilang sa mga taong patuloy na nakikinabang sa kanilang mga mabubuting gawa hanggang sa Araw ng Paghuhukom. ฤmฤซn.