03/05/2026
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐โ๐๐๐๐ฅ๐จ๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐: ๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง, ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐๐๐, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง
โ
Nakikiisa ang National Union of Peoplesโ Lawyers (NUPL)-Tacloban Law Students Chapter sa libo-libong manggagawa sa bansa sa kanilang pakikibaka para sa dignidad, makatarungang sahod, seguridad sa trabaho, at tunay na kalayaan sa pag-uunyon.
โ
โAng kasaysayan ng kilusang paggawa sa Pilipinas ay kasaysayan ng paglaban. Mula sa mga unang unyon ng mga obrero laban sa kolonyal na pagsasamantala, hanggang sa mga welga laban sa mapaniil na mga kapitalista at mapanupil na estado, ang bawat karapatang tinatamasa ngayon ay hindi regalo kundi bunga ng pakikibaka. Ang walong oras na trabaho, karapatang mag-unyon, collective bargaining, security of tenure, at makataong kondisyon sa paggawa ay pinanday sa lansangan, sa piketlayn, at sa dugo ng mga manggagawa.
โ
โHanggang ngayon, nananatiling malupit ang realidad para sa uring manggagawa: sa NCR, ang minimum wage na Batay sa Ibong Foundation ang โฑ645 kada araw na minimum wage ay hindi sapat upang tustusan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, upa, at pangunahing serbisyo. Mas matindi ang suliranin sa mga probinsiya katulad ng Eastern Visayas kung saan aabot lamang ng โฑ420 ang minimum wage. Napakalayo ng agwat na ito kung ikukumpara naman sa mga ahente ng estado na PNP at AFP na nagpapakasasa sa malaking sahod at mga benepisyo. Ang isang bagong patrolman sa PNP ay may base pay na hindi bababa sa โฑ31,151 kada buwan bukod pa sa mga allowance at benepisyo.
Habang ang karaniwang manggagawa ay halos hindi makatawid sa araw-araw na gastusin, mas malaki ang ginagastos ng estado sa mga armadong pwersang madalas ginagamit hindi upang protektahan ang mamamayang Pilipino kundi upang bantayan ang interes ng mga naghaharing uri, supilin ang welga, buwagin ang piketlayn, at patahimikin ang mga lumalaban sa korapsyon at pang-aabuso.
Kung kaya hinihikayat ng NUPL ang lahat na alalahanin natin ang pakikibaka mula sa picketline, sa mga komunidad, sa mga sakahan, sa mga pabrika, sa lansangan, at sa bawat lugar kung saan ang karapatan ay ipinaglalaban laban sa pananakot at dahas. Ang Mayo Uno ay hindi lamang pagdiriwang ito rin ay , paniningil ng hustisya, at panata ng pagpapatuloy ng laban para sa karapatan, dignidad, at katarungan.
โ
Katulad ng panawagan n para sa hustisya para sa marahas na pagpatay ng Pasistang Rehimeng US-Marcos sa Toboso 19. Hindi dapat mabura sa alaala ang pagkamatay nina RJ Nichole Ledesma, Alyssa Alano, Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel Chen, Lyle Prijoles, Kai Dana-Rene Sorem, Roel Sabillo, Jemina Gumadlas, at Dexter Patajo mga pawang sibilyang naging biktima ng madugong karahasan sa Toboso, Negros Occidental dahil sa kanilang mithiing tulungan ang manggagawang lokal ng Negros Occidental
โ
โAng kanilang mga pangalan ay hindi lamang tala ng kamatayan kundi sila ay mga paalala ng isang sistemang patuloy na pumapatay sa mahihirap, sa mga lumalaban, at sa mga humihingi lamang ng katarungan. Ang pananahimik ay pakikipagsabwatan. Ang pag-alala ay isang anyo ng paglaban.
โ
Hindi natatapos ang ating paninindigan pagkatapos ng Mayo Uno. Malinaw ang ating panawagan:
โ
Walang tunay na demokrasya kung walang hustisya para sa manggagawa.
โ
Walang tunay na kaunlaran kung ang lumilikha ng yaman ay nananatiling naghihirap;
โ
โAt walang tunay na kapayapaan kung ang sigaw para sa karapatan ay patuloy na sinasagot ng dahas.
โ
โMabuhay ang uring manggagawa!
โPresyo Ibaba!
โSahod Itaas!
โHustisya para sa Toboso 19.
Photos lifted from Bulatlat
โ