01/03/2025
ako'y kumakaway
sa bughaw na langit
mataos ang dasal
at pasasalamat
sa Kanyang pag-gabay
at pag-aaruga
ni minsan di lumimot
ang Mapagkandili't
Mapagpalang Kamay
sa akin ay yumakap
pinulot, inipon
nangatuyong dahon
suwail na buhay
at Kanyang ginamit
nagsilbing pataba
ng hungkag kung mundo..
anupa't sumibol
ngayon ang pag-asa
na sa malao't madali
ay muling yayabong
at makikisayaw
sa ihip ng hangin
sa saliw ng ritmong
sa'kin binubulong
ng kaibigang p**it
💛