07/04/2026
ANO NGA BA ANG COMMUNITY PANTRY?
In its simplest form, isa itong kusang pagtutulungan ng komunidad—may mga taong nag-aambag ng kaya nila, at may mga kumukuha ng kailangan nila sa panahon ng hirap. This is not meant to replace proper and long-term support na dapat sana ay nararamdaman ng mga tao araw-araw. Isa lang itong paalala na kapag may kakulangan, ordinaryong mamamayan na naman ang unang nag-aabot sa isa’t isa.
At siguro iyon din ang dahilan kung bakit malakas ang impact ng isang community pantry: dahil galing ito sa tao. Sa komunidad. Sa kusang loob. Hindi sa pagpapabango, hindi sa pagpapakitang may ginagawa, kundi sa simpleng pagkilala na may mga taong kailangang masalo ngayon na.
Para sa 1st year anniversary ng Maribook Club, ito ang initiative na pinili naming gawin.
We are but a mere book club— maliit na samahan ng mga ordinaryong taong nagsasama-sama para magbasa, mag-usap, at magbahagi ng iniisip at nararamdaman. But we also believe na ang pagbabasa ay hindi lang natatapos sa mga pahina. May mga bagay na natututunan sa libro na dapat ding dalhin pabalik sa tunay na buhay: pakikiramay, pagtanaw sa kapwa, at pagkilos even in the smallest ways.
Kaya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin, naisip naming maglunsad ng isang munting community pantry for the sectors that are directly affected.
Hindi lang mga tsuper at komyuter ang hirap—kasama rin dito ang mga mangingisda at magsasaka, na araw-araw ding pinapasan ang taas ng gastos sa kabuhayan. Sana, habang pinag-uusapan ang krisis, mas lawakan din ang pagtanaw sa lahat ng sektor na apektado.
We can’t thank every single one who contributed to this initiative individually, but we are beyond grateful para sa lahat ng ambag, in-kind man or monetary, o simpleng oras na ginugol niyo sa pag volunteer. Salamatunon po saindo ❤️