24/01/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ก๐ฉ๐๐ ๐จ๐ ๐ฌ๐๐ฃ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฃ๐๐ซ ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐, ๐ก๐จ๐๐ฉ๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐๐ฌ๐
Simula 2025 hanggang ngayong bagong taon na 2026, nagkakaroon pa rin ng mga walang-hustisyang aksyon ang mga awtoridad ng ating gobyerno sa malubhang isyu na nagaganap sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya. Ang Woggle Corporation, na siyang pakana ng isyung ito, ay isang korporasyon mula sa UK ay binigyan ng gobyerno ng exploration permit sa 3,100 na hektarya ng lupa noong Agosto 2025 para sa kanilang mining operations sa pagkuha ng ginto at tanso sa Dupax Del Norte.
Kahit ang operasyon ay nasa estado pa lamang ng exploration, nakararanas na ang mga lokal na naninirahan โ kabilang ang mga katutubo โ sa Dupax Del Norte ng mga masasamang epekto ng kanilang mga aktibidad. Sa mga sumunod na buwan hanggang ngayong Enero, patuloy na lumalaban ang iba't ibang grupo at komunidad para sa paghihinto ng operasyon ng Woggle Corp. sa Dupax Del Norte. Ngunit ang babatiin ng mga taumbayan ay paghaharang, paghuhuli, pag-aaresto, at patuloy na pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan sa kanilang mga hinaing at pinaglalaban.
Ngayong araw lamang ay nagkaroon na ng pag-aresto sa pitong (7) mamamayan. Ang mga kapulisan; patuloy na humaharang sa mga environmental defenders, mga katutubo, at iba pang mga mamamayan. Ang mga opisyal; nananatiling tahimik at nagdedeklara ng mga aksyon na laban sa kanilang sariling taumbayan at lupa. Ang Woggle Corp.; hayahay ang buhay habang kinukuha ang ating mga likas-yaman at sinisira ang ating kapaligiran.
Bilang mga kabataan, kami ang mga inaasahan na susunod na henerasyon na taga-pangalaga ng kapaligiran โ ng bansa. Kaya naman bilang NVCD UMYFP, inaanyayahan namin ang mga kapwa namin kabataan na magkaroon ng paninindigan sa isyung ating kinakaharap. Hindi lamang para sa aing mga sarili, kundi para sa kapakanan ng ating bansa. Sa kapaligiran, sa mga likas-yaman, sa mga katutubo, at sa kaligtasan ng lahat. Giit natin na magkaroon ng aksyon ang ating mga opisyal para proteksyon ng kanilang bansa, at hindi sa pamiminsala nito.
๐ฎ๐๐๐๐๐๐ 2:15
"๐ป๐๐ ๐ณ๐๐๐
๐ฎ๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐ฌ๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐."
Makiisa tayo para sa proteksyon ng ating kapaligiran, Kabataan!