School disaster risk reduction management-ANHS SDRRM CLUB

School disaster risk reduction management-ANHS SDRRM CLUB Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from School disaster risk reduction management-ANHS SDRRM CLUB, Youth Organization, Andarayan national high school, Solana.

31/03/2025
26/03/2025

PINAKAMAINIT NA TEMPERATURA SA BUONG HILAGANG LUZON, NAITALA SA TUGUEGARAO CITY KAHAPON; 40°C HEAT INDEX, POSIBLENG MARAMDAMAN NGAYONG MIYERKULES SA LUNGSOD-PAGASA

Naitala sa lungsod ng Tuguegarao ang pinakamainit na temperatura sa buong hilagang Luzon kahapon, Marso 25, 2025 na umabot ng 34.9-degree Celsius.

Sa monitoring ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, sa Tuguegarao City ang pangatlo sa may pinakamataas na naitalang temperatura mula nitong buwan ng Marso, kung saan nanguna ang Laoag City, Ilocos Norte na 35.2-degree Celsius na sinundan ng Sinait Ilocos Sur na 35.0-degree Celsius.

Kaugnay rito, naramdaman ang init ng panahon o heat index sa lungsod na pumalo sa 41-degree Celsius kahapon habang sa bayan ng Aparri ay 36-degree Celsius.

Ayon sa naturang tanggapan, ang nasabing heat index ay nasa kategoryang “extreme caution” na delikado na para sa mga publiko.

Pumalo naman sa 47-degree Celsius ang pinakamataas na heat index na naitala sa Dagupan City, Pangasinan, kahapon.

Samantala, ngayong Miyerkules posibleng aabot sa 40-degree Celsius heat index ang mararamdaman sa lungsod ng Tuguegarao, kaya patuloy ang paalala ng PAGASA sa publiko na ugaliing uminom ng tubig at iwasang magbabad sa sikat ng araw para makaiwas sa anumang sakit na dulot ng mainit na panahon. (Digna Bingayen)

🌱 Growing a greener future together! 🌿 The SDRRM Club, along with our dedicated club adviser, officers, and members, suc...
22/03/2025

🌱 Growing a greener future together! 🌿 The SDRRM Club, along with our dedicated club adviser, officers, and members, successfully conducted a tree planting activity in Lanna, Solana, Cagayan. This initiative reflects our commitment to environmental sustainability, disaster resilience, and community involvement. Every tree we plant today contributes to a healthier planet for future generations. Let's continue to take action and protect our environment! 🌍💚





✍🏻: Alliah Villanueva

March 13, 2025 | 8:00 AM – Earthquake Drill  This morning, the SDDRM Club members took an active role in ensuring the su...
13/03/2025

March 13, 2025 | 8:00 AM – Earthquake Drill

This morning, the SDDRM Club members took an active role in ensuring the success of our scheduled earthquake drill. As part of our commitment to disaster preparedness, we assisted students in safely evacuating the building, guiding them to designated assembly areas, and making sure that all safety protocols were followed.

We also conducted a thorough check of each classroom to ensure that no one was left behind, reinforcing the importance of quick and orderly evacuation. Through this drill, we continue to emphasize the significance of readiness and teamwork in times of emergencies.

Preparedness saves lives, and today’s drill was a step forward in strengthening our school’s disaster response efforts!

✍🏻: Alliah Jane Villanueva
🖼️: John Paul Bejo

13/03/2025

38°C HEAT INDEX, POSIBLENG MARAMDAMAN NGAYONG ARAW SA CAGAYAN; TAG-INIT, POSIBLENG IDEKLARA SA HULING LINGGO NG MARSO-PAGASA

Pinayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na manatiling hydrated dahil sa maalinsangang panahon na posibleng maramdaman ngayong Huwebes, Marso 13, 2025 sa Cagayan.

Ayon kay Engr. Ranshell Joy Parcon ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, pumapalo sa 37 hanggang 38-degree Celsius heat index ang posibleng maramdaman ngayong araw sa lalawigan.

Anya ang nasabing heat index ay nasa “extreme caution” o nangangailangan ng ibayong pag-iingat upang makaiwas sa anumang sakit na dulot ng init ng panahon.

Ngayong araw, maliit umano ang tsansa ng pag-uulan maliban na lamang sa biglaang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorm pero ito ay panadalian lamang.

Kasunod nito, inihayag ni Engr. Parcon na sa huling linggo ng buwan ng Marso ay posible nang ideklara ang pagsisimula ng dry season o tag-init.

Samantala, bago ang pagsisimula ng tag-init, sinabi ng nasabing tanggapan na posibleng magkakaroon pa ng isang bugso ng Hanging Amihan na magpapa-ulan susunod na linggo.

Wala namang binabantayang anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa mga susunod na araw.

Wala ring nakataas na Gale warning sa mga baybayin sa Cagayan pero pinag-iingat pa rin ang mga maglalayag lalo na ang mga gumagamit ng maliliit na bangka. (Digna Bingayen)

11/03/2025

It is with deep sadness and heavy hearts that we announce the untimely passing of Mr. Dante Blancad, Head Teacher III of Andarayan National High School. His dedication, leadership, and unwavering commitment to education have left an indelible mark on our school community.

As we mourn his loss, we extend our deepest condolences to his family, friends, and loved ones. May they find comfort in the legacy he has left behind and the many lives he has touched. Let us keep him and his family in our thoughts and prayers during this difficult time.

Rest in peace, Sir Dante. Your light will continue to shine in the hearts of those you have inspired.

09/03/2025

BUNTUN WATER LEVEL as of
03/09/2025

05:00 PM - 4.9 METERS

⚠️ALERT LEVEL: 4 Meters
⚠️⚠️ALARM LEVEL: 8 Meters
⚠️⚠️⚠️CRITICAL LEVEL: 11 Meters

ALL ROADS AND BRIDGES ARE PASSABLE

SOURCE: COMMAND CENTER CCTV

06/03/2025

SHEAR LINE, NAGPAPAULAN SA CAGAYAN; HANGING AMIHAN, MULING UMIIRAL SA EXTREME NORTHERN LUZON-PAGASA

Makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-uulan ang probinsiya ng Cagayan dulot ng Shear Line o ang pagtatagpo ng mainit at malamig na hangin ngayong Huwebes, Marso, 06, 2025.

Ayon kay Engr. Ranshelle Joy Parcon ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, maaaring huhupa ang pag-uulan sa mga susunod na oras pero posible na namang makararanas ng pag-uulan mamayang gabi na magtatagal hanggang bukas ng umaga.

Sa kabila ng maulap na papawirin, mainit na panahon pa rin ang mararamdaman lalo na sa tanghali kung saan pumapalo sa 36 hanggang 38-degree Celsius heat index ang mararamdaman ngayong araw sa Cagayan.

Samantala, muli namang umiiral ang Hanging Amihan na nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon partikular sa lalawigan ng Batanes na nagdudulot din ng pag-uulan sa lugar.

Sinabi ni Engr. Parcon na sa mga susunod na araw ay lalawak ang maaapektuhan ng Amihan kasama na ang Cagayan na magdadala rin ng kalat-kalat na pag-uulan hanggang weekend.

Sa ngayon, nakataas ang Gale warning sa baybayin ng Batanes ngayong araw at posibleng itaas rin ito bukas sa mga baybayin ng Cagayan kasabay ng paglakas ng Amihan.

Paliwanag ng naturang tanggapan, ito na ang huling bugso ng Amihan at hindi na rin kasinlamig ng mga nagdaang epekto nito ang mararamdamang panahon.

Aniya, sa oras na matapos ang Amihan ay simula na rin ng mas matinding init na mararamdamang na posibleng maranasan sa kalagitnaan ng Marso. (Digna Bingayen)

05/03/2025

37°C HEAT INDEX, POSIBLENG MARAMDAMAN SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO NGAYONG MIYERKULES-PAGASA

Papalo sa 37-degree Celsius ang heat index na posibleng maramdaman ngayong Miyerkules, Marso 05, 2025 sa lungsod ng Tuguegarao base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Iohnkieve Noel Diculen, weather specialist ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, ang nasabing init ng panahon na mararamdaman ay itinuturing na 'extreme caution'. Payo ni Diculen, iwasan ang magbabad sa sikat ng araw at ugaliing uminom ng tubig.

Paliwanag ni Diculen, ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan ng tao habang ang “temperature” ay ang init sa kapaligiran.

Aniya, ang nararamdamang init ng panahon ay dulot ng Easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko na nagdadala ng maalinsang panahon.

Samantala, maaaring sa kalagitnaan ng buwan ng Marso ay pormal ng ideklara ang pagtatapos ng hanging Amihan na nakaaapekto sa hilagang Luzon.

Wala namang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa weekend. (Digna Bingayen)

04/03/2025

HULING BUGSO NG HANGING AMIHAN, POSIBLENG MARAMDAMAN SA DARATING NA HUWEBES-PAGASA

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maramdaman sa hilagang Luzon ang huling bugso ng Hanging Amihan sa darating na Huwebes, Marso 06, 2025.

Sa monitoring ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, posibleng magtatagal ang epekto ng Amihan hanggang weekend.

Kaugnay rito, asahan umano ang maulap na papawirin at bahagyang paglamig ng panahon sa mga susunod na araw.

Ayon sa naturang tanggapan, posible ring makaranas ng “light to moderate” na pag-uulan sa mga susunod na araw sa malaking bahagi ng hilagang Luzon dahil sa Amihan.

Sa ngayon, Easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko ang nakaaapekto sa Cagayan na nagdudulot ng maalinsangang panahon sa lalawigan maging sa mga kalapit na probinsiya.

Ngayong araw, tinatayang nasa 25 hanggang 33-degree Celsius ang mararamdamang init ng panahon sa Lungsod ng Tuguegarao.

Wala namang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa darating na weekend. (Digna Bingayen)

04/03/2025

DOH, NAGBABALA HINGGIL SA MAAARING MAKUHANG SAKIT NGAYONG TAG-INIT

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong nagsisimula na ang mainit na panahon.

Ito ay kasabay ng abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring umabot sa 46-degree Celsius ang heat inderx sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa ahensiya, ang heat index sa pagitan ng 33 hanggang 41-degrees Celsius ay itinuturing na 'extreme caution' habang ang 42 hanggang 51 degrees Celsius naman ay 'danger level'.

Babala na ahensiya, maaaring magdulot ng heat cramps o pamumulikat at heat exhaustion o pagkahapo at iba pang sintomas tulad ng matinding pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at panghihina ang mainit ng panahon na unti-unti ng nararanasan sa bansa.

Bukod dito, ang matagal na pagkababad sa init ay posible ring humantong sa heat stroke isang kondisyon na nagdudulot ng pagkalito, seizure o kombulsyon, pakawala ng malay at posibleng kamatayan ng isang tao kung hindi maagapan.

Narito ang ilang paalala ng ahensiya upang maiwasan ang heat-related illness dahil sa init ng panahon:

1. Uminom ng maraming tubig.
2. Iwasan ang pag-inom ng matatamis, caffeine, at alcoholic drink na maaaring magdulot ng dehydration.
3.Bawasan ang paglabas mula 10 am hanggang 4 pm
4.Gumamit ng proteksyon tulad ng sumbrero, payong at sunblock kung lalabas
5.Magsuot ng preskong damit.

Tiniyak din ng ahensiya na patuloy ang kanilang monitoring sa lagay ng panahon upang mapanatiling ligtas ang bawa't isang ngayong tag-init.(Rachell Galamay)

Address

Andarayan National High School
Solana

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when School disaster risk reduction management-ANHS SDRRM CLUB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share