17/08/2026
Today, on the Twentieth Sunday in Ordinary Time, we reflect on the Gospel through the words of Jhomarie Carl B. Gruta, Senior High School student of Infant Jesus Academy of Silang, Inc.
Naglakad si Hesus patungong hangganan ng Tiro at Sidon. Doon, may isang babaeng Cananea na sumigaw sa kanyang likuran, humihiling ng awa para sa maysakit niyang anak. Hindi siya taga-Israel; wala siyang inaasahang karapatang humingi. Ngunit sinagot muna siya ng katahimikan, at pagkatapos, ng pagtanggi. Hindi pa rin siya umalis.
Lumuhod siya at nagpatuloy sa pagsamo, hanggang sa marinig niya mula kay Hesus: "Napakalaki ng iyong pananalig!"
Dito natin nakikita ang tunay na mukha ng pananampalataya. Hindi ito nasusukat sa kaalaman tungkol sa Diyos, kundi sa katapatang pagkapit sa Kanya kahit sa gitna ng katahimikan. Ang pananampalataya ng Cananea ay hindi nanatili sa salita: lumuhod siya, humingi, nagtiyaga, at nagtiwala.
Ito rin ang paalala ni Pope Francis sa Ebanghelyong ito: ang katahimikan ng Diyos ay maaaring pagkakataon upang palalimin ang ating pananampalataya, at ang tunay na pananampalataya ay hindi nananatiling nakabaon sa sarili; binubuksan nito ang puso patungo sa kapwa.
Sapagkat hindi lamang tungkol sa sariling panalangin ang Ebanghelyong ito. Sa ating bansa, may mga taong kumakatok araw-araw: ang magulang na naghahanap ng trabaho, ang manggagawang hindi makatanggap ng tamang sahod, ang batang walang pagkakataong mag-aral. Tinatanong tayo ng Panginoon: kapag may kumakatok, bubuksan ba natin ang ating pinto?
Hindi sapat na manalangin lamang tayo para sa mas mabuting Pilipinas kung wala tayong ginagawa upang maging bahagi nito. Kung hinihingi natin ang katarungan sa Diyos, dapat tayo munang maging makatarungan. Kung ipinagdarasal natin ang mahihirap, hayaan nating ang dasal na iyon ay maging kamay na tumutulong, hindi lamang salitang bumibigkas. Sapagkat ang pananampalataya ay may pananagutan: sa dignidad ng bawat tao, sa pagkakaisa, at sa kabutihang panlahat.
Dito rin nagiging makabuluhan ang ugnayan ng pagiging maka-Diyos at makabayan: kung tunay nating mahal ang Diyos, dapat itong makita sa pagmamahal natin sa ating irog na bayan, sa Pilipinas, na Kanyang ipinagkatiwala sa atin: sa pagiging tapat, sa pagtanggi sa pandaraya, sa paggalang sa kapwa, at sa paninindigan sa tama. Sapagkat ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi lamang pagnanais na umunlad tayo, kundi pagnanais na walang maiiwan sa pag-unlad.
Kaya ang hamon ng Ebanghelyo ay hindi lamang, "Magkaroon ka ng pananampalataya." Tinatawag tayong gawing buhay ito. Tayo ang mga kamay na maaaring tumulong, tinig na maaaring magsalita para sa naaapi, at pusong maaaring magbigay ng pag-asa.
Nawa'y matuto tayo sa Cananea na huwag sumuko sa Diyos at huwag maging manhid sa kapwa. Ang pananampalatayang nakaugat kay Kristo ay hindi lamang nakaluhod sa panalangin. Ito ay tumatayo para sa katotohanan, kumikilos para sa kapwa, at naglilingkod para sa bayan. Sa ganitong paraan, hindi lamang natin ipinapahayag ang Mabuting Balita, isinasabuhay natin ito.
Today, on the Twentieth Sunday in Ordinary Time, we reflect on the Gospel through the words of Jhomarie Carl B. Gruta, Senior High School student of Infant Jesus Academy of Silang, Inc.
Naglakad si Hesus patungong hangganan ng Tiro at Sidon. Doon, may isang babaeng Cananea na sumigaw sa kanyang likuran, humihiling ng awa para sa maysakit niyang anak. Hindi siya taga-Israel; wala siyang inaasahang karapatang humingi. Ngunit sinagot muna siya ng katahimikan, at pagkatapos, ng pagtanggi. Hindi pa rin siya umalis. Lumuhod siya at nagpatuloy sa pagsamo, hanggang sa marinig niya mula kay Hesus: "Napakalaki ng iyong pananalig!"
Dito natin nakikita ang tunay na mukha ng pananampalataya. Hindi ito nasusukat sa kaalaman tungkol sa Diyos, kundi sa katapatang pagkapit sa Kanya kahit sa gitna ng katahimikan. Ang pananampalataya ng Cananea ay hindi nanatili sa salita: lumuhod siya, humingi, nagtiyaga, at nagtiwala. Ito rin ang paalala ni Pope Francis sa Ebanghelyong ito: ang katahimikan ng Diyos ay maaaring pagkakataon upang palalimin ang ating pananampalataya, at ang tunay na pananampalataya ay hindi nananatiling nakabaon sa sarili; binubuksan nito ang puso patungo sa kapwa.