20/09/2025
BALITA | ๐๐ข๐ ๐ฆ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐๐ซ๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐ข๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฆ๐: ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 at ng koronasyon ng Lakan at Lakambini ng Wika, isinagawa ngayong araw ang isang makabuluhang balagtasan na umiinog sa temang โDiskarte at Diplomaโ na itinampok ng mga mag-aaral mula sa ika-10 baitang ng STE.
Pinangunahan nina Carl Anthony Jetuya, Juliana Villacura, at Jerr Maine Alforque mula sa Agham, Teknolohiya, at Inhinyeriya, Baitang 10 โ Seksyon Padojinog, ang pagtatanghal na nagbigay-diin sa mahalagang usapin hinggil sa kahalagahan ng diploma bilang pormal na edukasyon at diskarte bilang praktikal na kasanayan sa pagharap sa buhay.
Sa paglalaban ng pananaw, ipinagtanggol ni Jetuya ang diskarte bilang susi sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, samantalang si Alforque ay mariing nagtaguyod ng diploma bilang matibay na pundasyon ng kinabukasan. Si Villacura naman ang nagsilbing gitnang tinig, nagbigay-linaw at nagbalanse sa argumento ng dalawang panig.
Bagamaโt pansamantalang nawalan ng linya si Villacura, mabilis siyang nakabawi at ipinagpatuloy ang kanyang talumpati, na sinabayan ng sigaw ng suporta at masigabong palakpakan mula sa mga mag-aaral at g**o.
Sa pagtatapos ng programa, pinarangalan sina Jetuya, Villacura, at Alforque bilang mga kampeon ng balagtasan. Ang kanilang pagtatanghal ay kinilala hindi lamang dahil sa husay ng pananalita at pangangatwiran, kundi dahil din sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa wikang Filipino at sa sining ng balagtasan.
Ang balagtasan ay nagsilbing makulay na bahagi ng kulminasyon ng Buwan ng Wika 2025โisang patunay na ang kultura, wika, at edukasyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa makabagong kabataan.