Rotary Club of Midtown Santiago

Rotary Club of Midtown Santiago Unite for Good

Gen. Torre sa Rotarians: Aksyon, hindi lang pangako"Hindi tayo kulang sa pangako; kulang tayo sa ex*****on." Ito ang nag...
02/05/2026

Gen. Torre sa Rotarians: Aksyon, hindi lang pangako

"Hindi tayo kulang sa pangako; kulang tayo sa ex*****on." Ito ang naging hamon ni MMDA Undersecretary Nicolas D. Torre III sa mga Rotarian sa DISCON 2026 na ginanap sa Baguio Convention Center. Binigyang-diin ng dating opisyal ng PNP ang kahalagahan ng gawa kaysa sa salita.

Tampok din sa okasyon ang panayam ng panganay na anak ni RCMS President Knobloch kay Torre sa isang presscon-style na palitan.

Suharto sa District 3770: Rotary, holistic naBinigyang-diin ni Past District Governor Andre Suharto ang makabagong direk...
01/05/2026

Suharto sa District 3770: Rotary, holistic na

Binigyang-diin ni Past District Governor Andre Suharto ang makabagong direksyon ng serbisyo sa pagbubukas ng DISCON 2026 sa Camp John Hay Convention Center.

Bilang kinatawan ng Rotary International President, ipinahayag ni Suharto sa mga delegado ng District 3770 na mas "holistic" at "integrated" na ang Rotary ngayon. Layon ng nasabing ebolusyon na gawing mas malawak at konektado ang mga programa ng organisasyon.

Arezzo sa Rotarians: Palawakin ang pananaw sa DISCON ’26Hinimok ni Rotary International President Francesco Arezzo ang m...
01/05/2026

Arezzo sa Rotarians: Palawakin ang pananaw sa DISCON ’26

Hinimok ni Rotary International President Francesco Arezzo ang mga miyembro na palawakin ang kanilang pananaw sa pagseserbisyo sa pagbubukas ng DISCON ’26 sa Camp John Hay Convention Center.

Binigyang-diin ni Arezzo ang pagpapalalim ng dedikasyon ng bawat Rotarian sa ilalim ng kanyang temang "Unite for Good" para sa taong 2025–26.

RCMS, sinakop ang DISCON ’26Pormal nang rumesponde ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) sa District Conference (DI...
01/05/2026

RCMS, sinakop ang DISCON ’26

Pormal nang rumesponde ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) sa District Conference (DISCON) sa Camp John Hay sa pamumuno ni President Daisy Joy A. Knobloch.

Maagang nag-setup ng exhibition tarpaulin si Knobloch kasama ang kanyang panganay na anak bilang paghahanda sa aktibidad. Habang nasa frontline ang pamilya Knobloch, buo naman ang suportang ibinibigay nina past president Marilyn A. Aggabao at ng buong kasapian ng RCMS.

180 araw: RCMS, ganap na banyuhay sa pamumuno ni KnoblochKahapon, ginunita ng Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) ang...
29/04/2026

180 araw: RCMS, ganap na banyuhay sa pamumuno ni Knobloch

Kahapon, ginunita ng Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) ang ika-180 araw mula nang iluklok sa tungkulin si Pangulong Daisy Joy A. Knobloch noong ika-14 ng Oktubre, 2025, isang kaganapang nagbadya ng panibagong kabanata sa kasaysayan ng samahan.

Ang nasabing pagtitipon ay nagsilbing pagkilala sa kaniyang pagsulong mula sa pagiging isang matapat na ingat-yaman tungo sa rurok ng pamumuno. Ang tagumpay na ito ay itinalagang bunga ng matalinong pag-akay ni Past President Marilyn A. Aggabao, ang kagalang-galang na sanggunian ng samahan, katuwang ang buong kasapian na nagbuklod upang maisakatuparan ang mga mithiin ng club.

Naging saksi sa makasaysayang induction si Cecilia Walter, Regional Grants Officer mula sa Estados Unidos, gayundin ang mga haligi ng Rotary International District 3770 sa pangunguna ni District Governor Jose Alexander Santos at ang kaniyang kabiyak na si Lady Risa Santos. Dumalo rin upang magbigay-pugay si District Rotary Foundation, Chair (DRFC) Pichoy Ramirez at iba pang mga kagalang-galang na panauhin mula sa iba’t ibang panig ng distrito.

Muli ding binigyang-buhay ang alaala ng yumaong alagad ng sining na si Benice Santiago. Kinilala ang kaniyang huling paglilingkod bilang tagapagdaloy ng programa bago ang kaniyang pagpanaw, handog na ituturing na bahagi na ng yamang pangkalinangan ng Lungsod ng Santiago.

Kasama ang kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay, inilarawan ang anim na buwang panunungkulan ni Knobloch bilang isang tunay na banyuhay.

‘Di Mauupos: RCMS tapos na ang 7 Rotary focus areasIlang buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Daisy Joy A. Knoblo...
29/04/2026

‘Di Mauupos: RCMS tapos na ang 7 Rotary focus areas

Ilang buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Daisy Joy A. Knobloch, kinumpleto ng Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) ang pitong areas of focus ng Rotary International.

Umabot sa mahigit isang libong buhay ang nahipo sa pamamagitan ng mga proyekto ng club sa tulong ng mga kasapi at club consultant na si Marilyn A. Aggabao.

RCMS pinalalakas ang serbisyong makatao sa IsabelaNagsagawa ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS), katuwang ang Rot...
18/04/2026

RCMS pinalalakas ang serbisyong makatao sa Isabela

Nagsagawa ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS), katuwang ang Rotary Club of Santiago (RCS), ng livelihood community project sa Barangay Masaya Sur, San Agustin, Isabela, nitong Sabado ng umaga, bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyong makatao sa lalawigan.

Dumalo rin ang Rotary Club of Pinilisa Jones, kasama sina Konsehal ng Santiago at past president Russel Ponce at Assistant Governor Ressie Turingan-Ponce. Mahigit 40 residente ang natulungan sa pamamagitan ng pamamahagi ng gamot at starter kit para sa paggawa ng empanada at siopao.

RCMS sumuporta sa K5 News journalistsNagpaabot ng tulong ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) sa mga mamamahayag n...
13/04/2026

RCMS sumuporta sa K5 News journalists

Nagpaabot ng tulong ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS) sa mga mamamahayag ng K5 News nitong tanghali ng Abril 13, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng samahan sa sektor ng media.

Pinangunahan ito ni Pangulo Daisy Joy A. Knobloch, kasama ang club consultant at past president na si Marilyn Aggabao at dating pangulo na si Demi Salazar.

Mamayan ng Jones dumalo sa bloodletting ng RC Pinilisa Jones Nagsagawa ng bloodletting ang Rotary Club of Pinilisa Jones...
11/04/2026

Mamayan ng Jones dumalo sa bloodletting ng RC Pinilisa Jones

Nagsagawa ng bloodletting ang Rotary Club of Pinilisa Jones ngayong umaga, na dinaluhan ng assistant governor na si Ressie Turingan-Ponce at iba’t ibang Rotary clubs sa Area 3, kabilang ang RC Midtown Santiago ni pinamumunuan ni Daisy Joy A. Knobloch.

Umabot sa mahigit 100 katao ang nakapag-donate ng dugo sa naturang aktibidad. Kasabay nito ang pamamahagi ng relief goods na pinagtulungang buuin ng mga club sa Area 3.

RCMS nakibahagi sa medical mission ng RC QuirinoNakibahagi ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS), kasama ang apat p...
14/03/2026

RCMS nakibahagi sa medical mission ng RC Quirino

Nakibahagi ang Rotary Club of Midtown Santiago (RCMS), kasama ang apat pang Rotary clubs ng District 3770, sa isinagawang magkasanib na medical mission ng Rotary Club of Quirino, bilang bahagi ng pinalakas na serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

Dumalo rin sa naturang outreach si Assistant Governor Turingan, District Governor Santos, at ang District team, na nagpapakita ng sama-samang pagtutok ng Rotary sa pagpapalawak ng akses sa serbisyong medikal.

Address

Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rotary Club of Midtown Santiago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share