24/07/2026
π’ Mga Ka-Brgy, makiisa at ibahagi ang inyong opinyon! π΅π
Ano ang mga proyekto o programa na nais ninyong makita at maisakatuparan ng susunod na mga manunungkulan sa ating Barangay Sinalhan?
Kung magkakaroon ng debate o mababasa ito ng mga nagnanais tumakbo at maglingkod sa ating barangay, ano ang mga nais ninyong iparating sa kanila? Ano pa ang gusto ninyong maranasan, mapabuti, o ma-develop sa ating komunidad?
π¬ Malaya kayong magbahagi ng inyong mga mungkahi, hinaing, at ideya. Ang bawat opinyon ay mahalaga at nararapat pakinggan.
π€ Paalala lamang:
β
Maging magalang at respetuhin ang opinyon ng bawat isa.
β
Iwasan ang paninira, pang-iinsulto, at fake news.
β
Panatilihing maayos at makabuluhan ang talakayan.
π³οΈ Ipairal natin ang pagiging matalino, responsable, at mapanuring mamamayan ng Barangay Sinalhan. Sama-sama nating pag-usapan ang mga pagbabagong nais nating makita para sa ikabubuti ng ating komunidad.
π I-comment ang inyong mga mungkahi sa ibaba.