09/10/2025
TAMA NA! SOBRA NA! PUP, WALKOUT NA! KOMUNIDAD NG PUP, BAGUHIN ANG BULOK NA SISTEMA!
Habang kinakaharap natin bilang isang komunidad ang mababang badyet sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas taon-taon na nagreresulta ng pagtitiis natin sa sira-sirang mga pasilidad, masikip at mainit na mga silid-aralan, kakulangan sa serbisyo, mababang sahod ng mga g**o at kawani, at mas lumalalang kalagayan, si Marcos Jr. at ang kanyang mga opisyales ay pinagnanakawan tayo ng bilyun-bilyong pisong nararapat sa atin!
Para sa taong 2026, sinasakal tayo ng 9.1 bilyon na kakulangan sa badyet, habang bilyun-bilyon ang napupunta sa bulsa ng mga korap na politiko sa pangunguna ni Marcos Jr.! Panahon na upang ipamalas ang ating sama-samang lakas at paninindigan! Hindi na tayo mananahimik sa ating mga silid-aralan habang ninanakaw ni Marcos Jr. ang ating kinabukasan. Mga Iskolar ng Bayan, sama-samang lumikha ng kasaysayan! Ipanawagan natin ang pagpapanagot at paniningil kay Marcos Jr. at sa lahat ng alipores niyang harap-harapang binubulsa ang kaban ng taumbayan!
Ating patunayan na ang kasaysayan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay nakahabi sa kasaysayan ng militanteng tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan!
UNITED PUP WALKOUT AGAINST CORRUPTION
October 10, 2025 (Biyernes)
— Decentralized Programs | 10:00AM–11:00AM
— All-Campuses Main Program | 12:00NN
Huwag matakot lumiban sa klase, matakot lumiban sa paglikha ng kasaysayan! Magsuot ng ITIM bilang pakikiisa sa ating isasagawang makasaysayang kilusang walkout!