02/06/2026
๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข, ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ธโ
Sa mundong pilit kang ikinukulong sa anyo at galaw.
Hindi hahayaan ang tinig mo na tuluyang maglaho,
Sapagkat ang pagkatao mo'y hindi kasalanan o pagkatalo.
Maging totoo, huwag hayaang ikaw ay ikulong,
Sa mundong ang sukatan ay anyong hinubog ng panahon.
Hindi kailangan na baguhin ang kulay ng iyong pagkatao,
Upang tanggapin ng lipunang takot sa pagbabago.
Maging malaya, sapagkat ang pagbabago ay hindi krimen,
Hindi dapat hinahatulan ng lumang batas at maling paningin.
Sapagkat ang pagkatao ay hindi dapat ikadena,
O gawing kasalanan ng bulag na sistema.
Ngunit paano mo pipigilin ang alon sa pagragasa,
Kung likas sa dagat ang humalik sa pampang nang may pag-asa?
Paano ikukubli ang araw sa kanyang pagsikat,
Kung likas sa liwanag nito na baguhin ang dilim at umangat?
๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข, ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ธโ
Sapagkat ang ibigin ka ay isang pakikibaka sa lipunang mapanghusga at mababaw,
dahil ang ating pag-iral ay hindi lamang kulay,
Kundi isang protestang hindi kailanman mamamatay.
โ๏ธ: A.K and El