Sagip Santa Cruz Ilocos Sur

Sagip Santa Cruz Ilocos Sur Sama-sama sa Pagprotekta ng Kalikasan at Likas na Yaman

🚨 PANAWAGAN SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG ILOCOS SUR AT KAY GOBERNADOR JEREMIAS SINGSON! 🚨Ito ket usapin ti kaligtasan ...
27/08/2026

🚨 PANAWAGAN SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG ILOCOS SUR AT KAY GOBERNADOR JEREMIAS SINGSON! 🚨

Ito ket usapin ti kaligtasan ti taumbayan ken kalikasan! Matagal nang binabatikos ang walang habas at kuwestiyonableng dredging operations ng Fortuna Mining sa Buaya River sa Sta. Cruz.
Apay nga pinapayagang magpatuloy ang mga operasyong ito nang walang kaukulang kumpletong dokumentasyon, tamang permits, at aprubadong construction at dredging plans mula sa DPWH?
Walang espasyo para sa bulag-bulagan ken lusot-lusutan ditoy!

Naninindigan kami: HINDI DAPAT IPAGPATULOY ANG MGA OPERASYONG ITO HANGGANG WALANG LINAW AT LEGAL NA PATAKARAN!

PAGMAMARAPAT NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN: Aksyonan agad ang panawagang ito, Gobernador Jeremias Singson. Ipatimpuyogmo ti autoridad mo tapno mapasardeng daytoy nga operasyon.

SAAN NGA PWEDE TI LUSOT-LUSOT: Huwag hintaying maapektuhan ang mga komunidad bago kumilos ang mga kinauukulan.

⚠️ HINDI ITO LARO. Ilogmi, biagmi, at kaligtasan ng pamilya namin ang nakataya rito!

Panagutin ang dapat panagutin. Ipagtanggol ti Sta. Cruz! ✊🌊



DENR Ilocos Region PENRO Ilocos Sur- Technical Services Division

🚨 TIGILAN NA ANG ILLEGAL NA DREDGING SA BUAYA RIVER, STA. CRUZ, ILOCOS SUR! 🚨Habang wala pang baha at ligtas pa ang atin...
21/08/2026

🚨 TIGILAN NA ANG ILLEGAL NA DREDGING SA BUAYA RIVER, STA. CRUZ, ILOCOS SUR! 🚨

Habang wala pang baha at ligtas pa ang ating mga komunidad, HETO ANG PANAHON PARA KUMILOS AT MAGSITINAG KAYO!

Walang kasiguruhan, walang kumpletong stake plans, at walang construction plans—pero tuloy-tuloy ang pambababoy ng Fortuna Mining sa ating ilog! Anong klaseng bulag-bulagan ang pinaiiral ninyo rito?

Nasaan na kayo, mga ahensya ng gobyerno?
DENR
MGB
EMB
DPWH
Province of Ilocos Sur Inter-Agency Committee
Huwag na kayong maghintay na lumubog at maabo ang mga kabahayan namin bago kayo kumilos! Mariin naming KINAKAILANGAN AT IPINAPALAGANAP ang pag-denied sa bawat permit ng Fortuna Mining. Putulin na ang operasyong ito habang maaga pa!

⚠️ HINDI ITO BIRO. ILOG NAMIN ITO, BUHAY NAMIN ITO!

Kung patuloy kayong magbubulag-bulagan sa hayagang paninira sa kalikasan, kayo mismo ang mananagot sa galit ng taumbayan.

I-share ninyo ito hanggang sa makarating sa mga kinauukulan! Ipagtanggol ang Sta. Cruz! ✊🌊



DENR Ilocos Region PENRO Ilocos Sur- Technical Services Division

STOP DREDGING NOW SA SANTA CRUZ, ILOCOS SUR!Gising! Nasaan ang aksyon ninyo? Hindi natin palalagpasin ang patuloy na dre...
13/08/2026

STOP DREDGING NOW SA SANTA CRUZ, ILOCOS SUR!

Gising! Nasaan ang aksyon ninyo? Hindi natin palalagpasin ang patuloy na dredging operations na walang opisyal na Construction Plans na aprubado ng DPWH Region 1!

Hayagang paglabag ito sa Seksiyon 6 ng Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2019 na nag-uutos ng kumpletong engineering design bago simulan ang anumang proyekto. Ang pagpapatuloy nito nang walang kaukulang legal na dokumento ay pambabalewala sa batas at sa kaligtasan ng ating bayan.

Sa DENR Region 1 & EMB: Aksyon agad! Ipahinto ang operasyon habang walang aprubadong plano.
Sa MGB Region 1: Huwag mag-isyu ng Ore Transport Permit (OTP) sa mga pasaway na kontraktor!
STOP DREDGING NOW! Ang kalikasan at komunidad namin ay hindi isusugal sa mga shortcut.

Ipatupad ang batas!



DENR Ilocos Region

PANAWAGAN SA MGA KINAUUKULANG AHENSIYA NG PAMAHALAANPENRO Ilocos Sur | MENRO Santa Cruz | DENR Ilocos Sur | CENROPanahon...
04/08/2026

PANAWAGAN SA MGA KINAUUKULANG AHENSIYA NG PAMAHALAAN

PENRO Ilocos Sur | MENRO Santa Cruz | DENR Ilocos Sur | CENRO

Panahon na upang gisingin ang ating kamalayan at gampanan ang mga tungkulin para sa kalikasan. Napakaraming naiulat na paglabag at iregularidad sa mga operasyon dito sa Santa Cruz, ngunit tila nananatili kayong tahimik at walang aksyon.

Ang ating bayan at kalikasan ay patuloy na napipinsala. Bilang mga pangunahing tagapangalaga ng ating kapaligiran, inaasahan namin ang inyong agarang pagtse-tsek, imbestigasyon, at pagkilos laban sa mga ilegal na aktibidad na ito.

Huwag nating hintayin na tuluyang masira ang ating komunidad bago kayo kumilos. Ipatupad ang batas nang may pananagutan!


DENR Ilocos Region https://web.facebook.com/penroistsd

� KUNG MAY INAAMYENDAHANG ECC, BAKIT TULOY ANG DREDGING?May mga ulat na nagsasabing may isinasagawang pag-aaral o pag-am...
29/07/2026

� KUNG MAY INAAMYENDAHANG ECC, BAKIT TULOY ANG DREDGING?

May mga ulat na nagsasabing may isinasagawang pag-aaral o pag-amyenda sa Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Buaya River Restoration Project, kabilang umano ang mga teknikal na detalye gaya ng coordinates.

Kung ito ay totoo, nararapat lamang na maging ganap na bukas at transparent ang buong proseso.

Ang ECC ay hindi simpleng dokumento. Ito ang nagtatakda ng mga limitasyon at kundisyon upang mapangalagaan ang ating ilog, kalikasan, at mga komunidad.

Kung may inaamyendahan, may karapatan ang publiko na malaman:

❓ Ano ang eksaktong binabago?

❓ Bakit ito kinakailangang amyendahan?

❓ Ano ang magiging epekto nito sa implementasyon ng proyekto?

Kaya naman nananawagan tayo sa DENR, EMB, MGB, DPWH, at sa Inter-Agency Committee (IAC) na agad ilabas sa publiko ang:

• ang kasalukuyang ECC at anumang opisyal na proseso ng pag-amyenda, kung mayroon;

• ang mga planong inaprubahan ng DPWH;

• ang mga resolusyon, work programs, at As-Staked Plans na inaprubahan ng IAC;

• ang mga monitoring at compliance reports ng EMB;

• at iba pang dokumentong mahalaga upang lubos na maunawaan ng publiko ang proyekto.

Ang transparency ay hindi pabor—ito ay obligasyon.

Habang hindi pa ganap na nalilinaw ang mga usaping ito at hindi pa nailalabas ang lahat ng kaugnay na dokumento, nananawagan tayo ng pansamantalang MORATORIUM o TEMPORARY SUSPENSION sa lahat ng dredging operations sa ilalim ng Buaya River Restoration Project.

Hindi ito pagtutol sa pag-unlad.

Ito ay panawagan para sa prudence, transparency, at pagsunod sa batas.

Kasabay nito, hinihiling natin ang agarang public consultation upang marinig ang pulso ng mga residente ng Santa Cruz, lalo na ang mga mangingisda, magsasaka, at iba pang direktang maaapektuhan ng proyekto.

Sa EMB, isang magalang ngunit mariing panawagan: huwag madaliin ang anumang pag-amyenda sa ECC.

Ang bawat pagbabago sa ECC ay dapat dumaan sa masusing pagsusuri, ganap na transparency, at makabuluhang konsultasyon sa publiko, sapagkat nakasalalay rito ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Santa Cruz at ang kinabukasan ng kanilang ilog.

DENR, EMB, MGB, DPWH, at IAC—gampanan ninyo ang mandatong ipinagkatiwala sa inyo ng batas. Kung kumpleto ang mga dokumento, ilabas ang mga ito. Kung may mga tanong, sagutin ang mga ito. At kung may mga paglilinaw na kinakailangan, unahin muna ang katotohanan bago ipagpatuloy ang dredging operations.

Ang ilog ay hindi lamang daluyan ng tubig. Ito ay daluyan ng buhay. Hangga't hindi ganap na nalilinaw ang lahat, pansamantalang itigil muna ang dredging. Unahin ang batas. Unahin ang kalikasan. Unahin ang mamamayan.



DENR Ilocos Region

📍 Dredging noon 8 Hulyo 2026May panibagong mga koordinadong dapat ipaliwanag sa publiko kaugnay ng dredging operations s...
17/07/2026

📍 Dredging noon 8 Hulyo 2026

May panibagong mga koordinadong dapat ipaliwanag sa publiko kaugnay ng dredging operations sa Buaya River, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

⚓ Liang Ku 99
📌 17° 4.997' N, 120° 25.598' E

⚓ Hong Fa 567
📌 17° 4.51' N, 120° 25.706' E

Kung ang mga koordinadong ito ay tunay na nasa labas ng itinakdang navigation area na pinahihintulutan ng Environmental Compliance Certificate (ECC), hindi ito simpleng paglabag sa isang permit. Ito ay usaping may direktang epekto sa ating ilog, sa ating kalikasan, at sa kinabukasan ng mga mamamayan ng Sta. Cruz.

Ang ECC ay hindi dekorasyon. Hindi ito papel na maaaring balewalain. Ito ay may bisa ng mga kundisyong dapat mahigpit na sundin. Kapag lumampas ang operasyon sa pinahihintulutang lugar, nararapat lamang na magkaroon ng agarang beripikasyon at kaukulang aksyon.

Hindi sapat ang katahimikan. Hindi sapat ang pagwawalang-bahala.

Nanawagan tayo sa DENR, EMB, MGB, DPWH, Philippine Coast Guard, at sa lahat ng kinauukulang ahensya na:

✅ Beripikahin ang mga koordinadong ito;
✅ Alamin kung ang operasyon ay lumalampas sa pinahihintulutang saklaw ng ECC; at
✅ Kung mapatunayang may paglabag, agad na ipatigil ang operasyon at papanagutin ang lahat ng responsable.

Habang hindi nalilinaw ang mga seryosong tanong na ito, dapat manaig ang pag-iingat kaysa pagsisisi. Ang kalikasan ay hindi maaaring ibalik sa dati kapag tuluyan na itong nasira.

# # ITIGIL ANG DREDGING NGAYON.

Suspendihin ang lahat ng dredging operations sa Sta. Cruz, Ilocos Sur hanggang sa ganap na mapatunayan na ang bawat operasyon ay sumusunod sa ECC at sa lahat ng umiiral na batas pangkalikasan.

Hindi maaaring unahin ang paghakot ng buhangin kaysa sa pangangalaga sa ating ilog. Hindi maaaring ipagpalit ang kalikasan sa kita.

🌊 Iligtas ang Buaya River.
🌿 Ipatupad ang batas.
✊ Itigil ang dredging. Ngayon na.



DENR Ilocos Region

ISANG SWORN ACCOUNTABILITY STATEMENT. MGA TANONG NA NARARAPAT SAGUTIN.Sa ibabang kaliwang bahagi ng dokumento ay nakasaa...
17/07/2026

ISANG SWORN ACCOUNTABILITY STATEMENT. MGA TANONG NA NARARAPAT SAGUTIN.

Sa ibabang kaliwang bahagi ng dokumento ay nakasaad ang sumusunod na proyekto:

ECC-RO1-2502-0004
Buaya River Restoration Project
Municipality of Sta. Cruz
Provincial Government of Ilocos Sur

Kalakip ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ay isang Sworn Accountability Statement na nagsasaad na ang Provincial Government of Ilocos Sur ay "takes full responsibility in complying with all conditions" ng ECC.

Bilang isang dokumentong may kaugnayan sa isang proyektong pangkalikasan, may ilang mahahalagang tanong na nararapat malinawan:

❓ Ano ang eksaktong saklaw ng pananagutang tinutukoy sa Sworn Accountability Statement?

❓ Ano ang ugnayan ng Provincial Government at ng proponent sa pagpapatupad at pagsunod sa mga kondisyon ng ECC?

❓ Paano hinahati ang mga responsibilidad ng bawat partido sa ilalim ng umiiral na mga permit at regulasyon?

Ang mga tanong na ito ay hindi paghatol at hindi rin akusasyon. Layunin lamang nitong maunawaan ng publiko ang legal at administratibong balangkas ng isang proyektong may direktang epekto sa ating mga ilog, kalikasan, at mga komunidad.

Sa usaping pangkalikasan, ang transparency ay hindi hadlang sa pag-unlad—ito ang nagbibigay ng kredibilidad sa pag-unlad. Ang malinaw na pagpapaliwanag ng mga tungkulin at pananagutan ng bawat sangkot na partido ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko.

Dahil dito, nananawagan tayo sa mga kinauukulang ahensya na magbigay ng malinaw na pagpapaliwanag tungkol sa saklaw ng Sworn Accountability Statement at sa kani-kanilang mga pananagutan sa ilalim ng ECC.

Habang isinasagawa ang paglilinaw sa mga usaping ito, hinihiling din natin na pag-aralan ang pansamantalang paghinto ng mga dredging operations na saklaw ng proyektong ito bilang isang hakbang ng pag-iingat, alinsunod sa prinsipyo ng transparency, environmental stewardship, at public accountability.

Ang ganitong hakbang ay hindi pagpapasya sa anumang pananagutan. Sa halip, ito ay isang precautionary measure upang matiyak na ang pagpapatuloy ng proyekto ay may malinaw na batayan at nananatiling naaayon sa mga kondisyon ng Environmental Compliance Certificate at sa umiiral na batas.

Ang pagtatanong ay hindi paninira. Ang paghiling ng paliwanag ay hindi paghusga. Sa isang demokratikong lipunan, ang pananagutan ay nagsisimula sa transparency, at ang transparency ay nagsisimula sa pagsagot sa mga lehitimong tanong ng publiko.







DENR Ilocos Region Defend Ilocos Sur

🚨 ITIGIL ANG DREDGING SA STA. CRUZ, ILOCOS SUR! 🚨Hindi maaaring isakripisyo ang kalikasan sa ngalan ng anumang proyekto....
09/07/2026

🚨 ITIGIL ANG DREDGING SA STA. CRUZ, ILOCOS SUR! 🚨
Hindi maaaring isakripisyo ang kalikasan sa ngalan ng anumang proyekto. Kung totoo na ang operasyon ng dredging ay isinasagawa sa mga sumusunod na koordinado:

📍 17° 4' 45.02" N, 120° 25' 42.72" E
📍 17° 4' 34.0771" N, 120° 25' 48.62" E

at ang mga lokasyong ito ay nasa labas ng itinakdang navigation area, ito ay isang napakaseryosong usapin na nararapat agad imbestigahan. Ang pagsasagawa ng dredging sa labas ng pinahihintulutang lugar ay maaaring maging paglabag sa mga kondisyon ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at isang banta sa ilog, sa kapaligiran, at sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Ang ECC ay hindi piraso lamang ng papel. Ito ay pangakong igagalang ang hangganan ng proyekto at pangangalagaan ang kalikasan. Kapag nilabag ang mga kondisyong ito, hindi lamang mga bato at buhangin ang nawawala—unti-unting nawawasak ang ating mga ilog, nasisira ang tirahan ng mga isda at iba pang yamang-tubig, at nalalagay sa panganib ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Hindi tayo laban sa kaunlaran. Ang ating ipinaglalaban ay kaunlarang may pananagutan at sumusunod sa batas. Walang sinuman ang dapat payagang lumampas sa itinakdang limitasyon ng kanilang permit.

📢 Nanawagan tayo sa DENR, EMB, MGB, DPWH, at sa lahat ng kinauukulang ahensya: Agarang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga nabanggit na koordinado at tiyaking mahigpit na naipatutupad ang mga kondisyon ng ECC at iba pang umiiral na batas pangkalikasan.

🌿 Itigil ang dredging sa Sta. Cruz, Ilocos Sur kung ito ay lumalabag sa ECC.
🌊 Itigil ang pagkasira ng ating kalikasan.
✊ Panagutin ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas.


Defend Ilocos Sur DENR Ilocos Region

May mga bayang hindi lang dinaraanan-sila'ydinarayo, hinahangaan, at ipinagmamalaki. Isa na rito ang Santa Cruz, Ilocos ...
09/07/2026

May mga bayang hindi lang dinaraanan-sila'y
dinarayo, hinahangaan, at ipinagmamalaki. Isa na rito ang Santa Cruz, Ilocos Sur, isang bayang may mayamang kasaysayan, makulay na kultura, at likas na ganda na sumasalamin sa katatagan at pagkakakilanlan ng mga Ilokano.
Mula sa mga pamanang nagkukuwento ng ating
pinagmulan, sa mga tanawing nagbibigay-buhay sa kalikasan, hanggang sa mga tradisyon, sining, at pagkamapagpatuloy ng bawat Santa Cruzeño-ang Santa Cruz ay higit pa sa isang destinasyon.

Isa itong tahanan ng mga kuwentong dapat ipagmalaki at pamana sa susunod na salinlahi.
Halina't tuklasin ang kagandahan ng Santa Cruz.
Damhin ang kasaysayan, namnamin ang kultura, at hayaang ang bawat pagbisita ay maging paglalakbay na puno ng pagmamalaki sa ating sariling bayan.

Tara na sa Santa Cruz, Ilocos Sur-kung saan buhay ang kasaysayan, yumayabong ang kultura, at tunay na nararamdaman ang puso ng llocos.

Address

Santa Cruz
2713

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagip Santa Cruz Ilocos Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share