09/04/2026
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻.
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗶𝘁𝘂𝗺𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗻𝗱𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗺𝗲𝗿𝗶𝗸𝗮𝗻𝗼.
Ngayon, ginugunita natin ang 𝗶𝗸𝗮-𝟴𝟰 𝘁𝗮𝗼𝗻 ng 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 mula noong sumuko ang ating mga sundalo sa mga Hapon na pinamunuan ni General Edward P. King Jr. Ito ay isang madugong pangyayari sa Bataan noong 1942, panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Muli nating alalahanin na sa ilalim ng init ng araw, ang magigiting na sundalo—gutom at sugatan—ay naglakad mula Mariveles, Bataan hanggang Camp O'Donnell sa Tarlac. Ang Bataan Death March ay kumitil ng libo-libong buhay, mga buhay na inialay para sa kalayaan.
𝙎𝙖𝙡𝙪𝙙𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤, 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞! 𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙣𝙞𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣.
𝐂𝐚𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 | Zyla Mercado
𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 | Inah Maglalang