01/09/2026
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐?
Ang Barangay at Sangguniang Kabataan ay hindi lamang tungkol sa posisyon o kapangyarihan. Ito ay tungkol sa serbisyo, representasyon, at pananagutan sa komunidad.
karapatan ng bawat mamamayan at kabataan na bumoto at pumili ng lider.
Sa bawat barangay, may iba't ibang pangangailangan ang mga tao. May mga pamilya na nangangailangan ng tulong, mga kabataan na naghahanap ng oportunidad, at mga mamamayan na umaasa sa mabilis na aksyon. Dahil ang boto natin ay hindi simpleng marka sa balota. Ito ay boses, kalayaan, at kapangyarihan pumili para sa kinabukasan.
ang kabataan ay kailangan ng tunay na representasyon at ang eleksyon ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagbabago.
Ngayon, maraming kabataan ang aktibo sa iba't ibang gawain. Ang ilan ay nagsisilbi sa komunidad, ang ilan ay sumasali sa sports, ang ilan ay nagsisikap sa pag-aaral, at ang ilan ay sa paghahanda sa kalamidad. ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐บ๐ถ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ผ๐๐ฒ๐?
Ang SK ay dapat maging daan para marinig ang kabataan hindi lamang tuwing eleksyon, kundi sa pag-gawa ng mga programa na epektibo sa kanilang buhay.
Ang halalan ay mahalagang bahagi ng ating ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ. Kaya nararapat lamang na marinig ang boses ng bawat kabataan at mamamayan.
Hindi sapat ang sabihin โpara sa kabataanโ ang isang programa. Dapat makita ng kabataan ang resulta nito. Ang isang lider ay dapat mapagkakatiwalaan. Hindi dapat matakot sa eleksyon. Sa halip, dapat niyang isipin:
"Ito ang pangangailangan ng aking nasasakupan. Ito ang natutunan ko. At ito ang nais kong ipagpatuloy para sa ating komunidad."
Sa huli, ang pagpapatuloy ng Barangay at SK elections ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang mananalo.
Ito ay tungkol sa karapatan ng bawat tao na pumili ng bago.
Ito ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga bagong lider.
Ito ay tungkol sa pagbibigay ng boses sa komunidad at kabataan.
At higit sa lahat, ito ay tungkol sa pagpili ng mga taong handang magsilbi, hindi lamang mamuno.
Ang ๐๐๐ก๐๐๐ฅ ๐๐ค๐จ๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ay handang magpatuloy at magbigay serbisyo, matuloy man o hindi ang halalan.