04/07/2023
Kumusta🤸na 🤸kaya🤸ang🤸Filipino 3A/3B?
Lahat ng mga pagtumba, galos at sugat na ating natamo sa ating pag-tumbling 🤸 para lamang matapos ang mga gawain nitong huling semestre ay tanda na tayo ay lumaban. Ang ilan man sa atin ay hindi pa tapos sa sirko 🤸 ng mga gawain subalit alam ng inyong mga kamag-aaral na makakatayo at makatatapos kayo.
Isang pagbati pa rin sa ating mga g**o ng Filipino sa hinaharap dahil isang taong panuruan na naman ang ating nalampasan. Ang mga aral na ating natutuhan ay dalhin natin sana hanggang sa kinabukasan. Ang mga pagkukulang din ay maaari pa nating punan sa mga susunod na pagkakataon.
Hindi naging madali ang semestreng nagdaan ngunit ang ipinakita nating sipag at pagpupursigi ang naging lakas natin sa pag-cartwheel 🤸 sa malubak at mahabang daan patungo sa pansamantalang kaginhawaan. Kahanga-hanga ang katapangan ng bawat isa.
Padayon mga g**o sa hinaharap!
Kaunting tumbling 🤸 na lang!