One San Pablo City Makiling Eagles Club

One San Pablo City Makiling Eagles Club The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles

Happy Birthday, Kuya Ernie! 🦅🎉Wishing you good health, happiness, and more blessings. Thank you for being a great brothe...
29/05/2026

Happy Birthday, Kuya Ernie! 🦅🎉
Wishing you good health, happiness, and more blessings. Thank you for being a great brother and fellow Eagle in our club. Stay strong and God bless always!

BALITA: One San Pablo City Makiling Eagles Club, matagumpay na idinaos ang 2nd General Membership MeetingSAN PABLO CITY,...
26/04/2026

BALITA: One San Pablo City Makiling Eagles Club, matagumpay na idinaos ang 2nd General Membership Meeting
SAN PABLO CITY, LAGUNA – Pinagtibay ng One San Pablo City Makiling Eagles Club ang kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa serbisyo sa katatapos lamang na 2nd General Membership Meeting na ginanap sa Sylvia’s Farm, Brgy. Concepcion, ngayong araw, Abril 26, 2026.
Sa ilalim ng temang "BASTA MAKILING... MAGALING!", nagtipon-tipon ang mga kasapi ng nasabing organisasyon upang talakayin ang mahahalagang agenda para sa kasalukuyang Eagle Year 2026.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Club President Kuya Reus Ril, kasama ang mga opisyal ng club na sina Vice President Kuya Sony Alcantara, Secretary Kuya Julius Ril, Auditor Kuya Allan, Grievance Chairman Kuya Mel, at Club Protocol Kuya Mark Aguas. Dumalo rin sa pagtitipon si Regional Assemblyman Kuya Ernie upang magbahagi ng mga mahalagang update mula sa rehiyon.
Mga Pangunahing Paksa ng Pagpupulong:
• Pananagutan at Pamamahala: Tinalakay ang CLMR Audit at mga updates sa monthly dues, Implementing Rules and Regulations (IRR), at mga board resolution.
• Paglago ng Organisasyon: Binigyang-diin ang mga hakbang para sa recruitment at development ng mga bagong aspirants.
• Serbisyo sa Komunidad at Planong Internasyonal: Inilatag ang mga plano para sa Outreach Program sa Mayo 2026, ang kolaborasyon para sa proyektong "Pagbuhay ng OTLTMEC," at ang paghahanda para sa nalalapit na Regional Assembly sa Macau na gaganapin sa Setyembre 5–8, 2026.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan sa mga sumusuporta sa club na sina Ate Nica, Ate Tess, at Ate Sylvia, na nagsilbing katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng layunin ng organisasyon.
Ang pagtitipon ay nagtapos sa isang fellowship, na lalong nagpatibay sa samahan at kapatiran ng bawat isang Eagles sa San Pablo City.

Happy Birthday to our Chartered Governor-CLMR, Kuya Gov Aga P. Macasaet!You are a man of your word, a strong leader, and...
09/04/2026

Happy Birthday to our Chartered Governor-CLMR, Kuya Gov Aga P. Macasaet!
You are a man of your word, a strong leader, and someone we truly admire. Your hard work and leadership inspire us every day. More than that, you are kind and good-hearted.
We wish you good health and more blessings. May you continue to guide and inspire many.
Happy Birthday, Kuya Aga! 🎉

JUST IN!Kami sa One San Pablo City Makiling Eagles Club (OSPCMEC) ay nagpaabot ng tulong sa isang pamilyang nasunugan ni...
01/04/2026

JUST IN!
Kami sa One San Pablo City Makiling Eagles Club (OSPCMEC) ay nagpaabot ng tulong sa isang pamilyang nasunugan nitong Abril 1, 2026.
Sa pangunguna ng aming mga Kuya at Ate, kami ay nagbigay ng cash assistance bilang agarang tulong upang makabangon ang pamilya mula sa trahedya. Lubos naman ang kanilang pasasalamat at kanilang ipinaabot na ang kasalukuyan nilang pangangailangan ay yero, bakal, at hollow blocks upang makapagsimula muli sa pagpapatayo ng kanilang tahanan.
Kami ay patuloy na nananawagan sa mga nais tumulong at makiisa sa aming adbokasiya ng malasakit at bayanihan para sa ating komunidad.

JUST IN:Matagumpay na Free Haircut Outreach ng One San Pablo City Makiling Eagles Club sa Tatlong PaaralanIsinagawa at m...
01/04/2026

JUST IN:
Matagumpay na Free Haircut Outreach ng One San Pablo City Makiling Eagles Club sa Tatlong Paaralan
Isinagawa at matagumpay na natapos ng One San Pablo City Makiling Eagles Club ang kanilang Humanitarian Services: Free Haircut para sa Graduating Students (Boys Only) noong Marso 27, 2026, mula alas-7 ng umaga.
Nakinabang ang mga mag-aaral mula sa tatlong paaralan:
• Concepcion Elementary School
• Col. Lauro Dizon Memorial Elementary School
• San Anton Elementary School
Layunin ng programa na matulungan ang mga batang magsisipagtapos na maging maayos at presentable sa kanilang nalalapit na graduation, nang walang gastos sa kanilang pamilya.
Pinangunahan ang nasabing gawain nina President Kuya Reus Ril at Vice President Kuya Sony Alcantara, kasama ang mga masisipag na miyembro ng OSPCMEC. Ipinakita nila ang diwa ng malasakit, bayanihan, at tunay na serbisyo sa komunidad. Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga g**o, magulang, at mga mag-aaral sa lahat ng “Kuya at Ate” na naglaan ng oras, pagod, at kakayahan para sa proyektong ito. Isang patunay ang gawaing ito na ang simpleng tulong ay may malaking epekto sa ngiti at kumpiyansa ng bawat batang San Pableño. 💚

JUST IN! ✂️ Free Haircut Outreach, Isinagawa ng Agila para sa mga Nagsisipagtapos na Mag-aaral ✂️SAN PABLO CITY — Matagu...
27/03/2026

JUST IN!
✂️ Free Haircut Outreach, Isinagawa ng Agila para sa mga Nagsisipagtapos na Mag-aaral ✂️

SAN PABLO CITY — Matagumpay na isinagawa ng One San Pablo City Makiling Eagles Club-CLMR ang isang Free Haircut Outreach para sa mga mag-aaral na magsisipagtapos sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Kabilang sa mga nakinabang sa nasabing gawain ang mga mag-aaral mula sa San Anton Elementary School, Col. Lauro Dizon Elementary School, at Concepcion Elementary School.

Layunin ng outreach na matulungan ang mga mag-aaral na maging maayos at handa sa kanilang nalalapit na pagtatapos. Bukod sa libreng gupit, nagbigay rin ang grupo ng snacks na naghatid ng saya sa mga bata.

Ayon sa mga g**o at magulang, malaking tulong ang naturang gawain lalo na sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang mahalagang okasyon.

Samantala, pinuri naman ang One San Pablo City Makiling Eagles Club sa kanilang ipinakitang malasakit at patuloy na pakikiisa sa komunidad.

EYES HERE!
24/02/2026

EYES HERE!

BAGONG PAMUNUAN, ISANG VISION: SERVICE ABOVE SELF! ❤️Kasaysayan at pagkakaisa! Matagumpay na idinaos ng One San Pablo Ci...
23/02/2026

BAGONG PAMUNUAN, ISANG VISION: SERVICE ABOVE SELF! ❤️
Kasaysayan at pagkakaisa! Matagumpay na idinaos ng One San Pablo City Makiling Eagles Club ang ating kauna-unahang General Membership Meeting at Induction of Officers para sa Eagle Year 2026 nitong nakaraang February 22 sa CDC 1028 Café.

Sa ilalim ng temang "Leadership is not just a position, it is a commitment to serve," pormal nang nanumpa ang ating mga bagong lider na handang maglingkod nang tapat sa ating komunidad.

Ang Ating mga Bagong Lider para sa E.Y. 2026:
President: Kuya Decerius G. Ril
Vice President: Kuya Anderson Alcantara
Secretary: Kuya Julius G. Ril
Treasurer: Kuya Robert Mitra
Auditor: Kuya Allan Talavera
Lubos ang ating pasasalamat sa ating Inducting Officer, Regional Governor Kuya Gilbert Umali, sa kanyang paggabay at pagpapaalala sa kahalagahan ng "Service Through Strong Brotherhood".
Nagpapasalamat din tayo sa suporta nina:
Kuya Vice Governor Gener Doctora (PIEL Director)
Kuya Joel Yanson (Regional Officer at Former Club President ng MLEC-Sponsoring Club)
Kasama ang lahat ng mga opisyal na Kuya at Ate, muli nating pinagtitibay ang ating dedikasyon sa mga layunin ng The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Inc. sa ilalim ng banner na Deo Et Patria (For God and Country).
Isang masiglang simula para sa mas malawak na serbisyo publiko! 🚀
BASTA MAKILING, MAGALING!
MABUHAY ANG AGILA! 🦅

22/02/2026

Mabuhay ang Agila!
Basta Makiling, Magaling.!

San Pablo City, Laguna – February 22, 2026The One San Pablo City Makiling Eagles Club (OPSMEC) successfully held its Oat...
22/02/2026

San Pablo City, Laguna – February 22, 2026
The One San Pablo City Makiling Eagles Club (OPSMEC) successfully held its Oath-Taking Ceremony and 1st General Membership Meeting (GMM) for Eagle Year 2026 at CDC Highlands, San Pablo City.
The ceremony was led by Regional Governor Kuya Gilbert Umali, Vice Governor Kuya Gener Doctora, and Regional Officer Kuya Joel Yonson, who inspired the new set of officers and members as they formally took their oath of service.
Congratulations to Kuya Pres Reus Ril, Kuya Vice Pres Sony and the newly inducted officers and members. This marks a new beginning for the club—new leadership, new members, and renewed commitment to serve the community.
With a strong vision to revive and strengthen OPSMEC, the club remains dedicated to its mission: to help, to serve, and to make a difference.
The One San Pablo City Makiling Eagles Club is still welcoming new applicants who are willing to be part of a service-oriented organization.

🦅 Mabuhay ang Agila!
Basta Makiling Magaling!

JUST IN |
04/02/2026

JUST IN |

Address

San Pablo City
San Pablo City
4000

Telephone

+639175849107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One San Pablo City Makiling Eagles Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share