YDAC—Health, Social Inclusion, Equity, Peacebuilding and Security

YDAC—Health, Social Inclusion, Equity, Peacebuilding and Security The Official page of Youth Development Advocate Circle for Health, Social Inclusion, Equity, Peace Building, and Security of LYDO, San Mateo, Rizal.

BALIKAN NATIN | Gender Sensitivity and Mental Health Support Group Facilitators’ Training Youth Camp 2025 hatid ng LYDOP...
06/01/2026

BALIKAN NATIN | Gender Sensitivity and Mental Health Support Group Facilitators’ Training Youth Camp 2025 hatid ng LYDO

Pinangunahan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office, sa ilalim ng Project Healthy Spaces for Healthy Minds, ang tatlong araw na Gender Sensitivity and Mental Health Support Group Facilitators’ Training Youth Camp noong Disyembre 2025.

Naghandog ng inspirasyunal na mensahe si Municipal Administrator Henry Desiderio sa mga kalahok na pawang mga kabataang nagnanais na maging peer facilitator. Binibigyang diin ng kanilang pakikibahagi sa proyektong ito ang kahalagahan ng sapat na kahandaan at pagkatuto sa usapin ng gender sensitivity at mental health bago makapagbigay ng paggabay sa kanilang kapwa kabataan. Mahalagang simulain din ito upang kanilang maitaguyod ang isang bukas at ligtas na espasyo para sa mga naturang usapin.

Dito sa ating bayan, pinalalakas ang kakayahan ng mga kabataan para sa mas maliwanag na kinabukasan!


𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐒𝐩𝐚𝐜𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐬: 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐨𝐫...
08/12/2025

𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐒𝐩𝐚𝐜𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐬: 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬’ 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐚𝐦𝐩 𝟐𝟎𝟐𝟓

Mga Kabataan, game na ba kayo? 🌟

Naniniwala po tayo na mahalaga ang papel ng kabataan sa paghubog ng ligtas, inklusibo, at maunlad na komunidad. Dahil dito, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng “Project Healthy Spaces for Healthy Minds: Community-Based Gender Sensitivity and Mental Health Support Group Facilitators’ Training Youth Camp 2025”

📅 Disyembre 26–28, 2025
📍 Cristina Villas Mountain Resort & Hotel, Taktak Road, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal

Sa mga nakaraang konsultasyon, maraming kabataan po ang nagbahagi ng mga karanasan sa gender-related bullying, diskriminasyon, at kawalan ng ligtas na espasyo—mga karanasang nagdudulot ng bigat sa kalusugang pangkaisipan. Kaya naman, higit po nating pinapahalagahan ang paglikha ng safe spaces kung saan ang kabataan ay naririnig, nauunawaan, at napoprotektahan.

Bilang tugon, idinisenyo ang youth camp na ito upang:
● Itaas ang kamalayan ng kabataan sa mental health at gender sensitivity
● Linangin ang kanilang kakayahan sa communication, empathy, at facilitation
● Palakasin ang kanilang kakayahang humarap sa mga emosyonal at panlipunang hamon
● Ihanda sila bilang peer support group facilitators na magsusulong ng safe spaces at ligtas na komunidad (safe communities) sa kanilang paaralan at komunidad

🎯 Target Participants
Bukas po ito sa lahat ng kabataang taga-San Mateo mula sa iba’t ibang sektor—paaralan, simbahan, at komunidad—na may interes sa mental health at gender sensitivity advocacy.

Mas binibigyang-priyoridad ang hindi pa po graduating students, ngunit bukas rin po ito sa graduating at working youth na handang magpatuloy ng adbokasiya sa 2026.

📌 Lahat ng kalahok ay inaasahang makapag-commit ng buong 3 days and 2 nights.

𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙤, 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙣𝙞𝙜, 𝙖𝙩 𝙩𝙪𝙢𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙢𝙪𝙤 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙪𝙣𝙖𝙬𝙖𝙞𝙣𝙜 𝙚𝙨𝙥𝙖𝙨𝙮𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣, 𝙨𝙖𝙜𝙪𝙩𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧𝙢 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙥𝙖𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙖𝙣𝙮𝙖𝙮𝙖:

🔗 https://forms.gle/bf3u1W2y3arjsFG48
🔗 https://forms.gle/bf3u1W2y3arjsFG48
🔗 https://forms.gle/bf3u1W2y3arjsFG48




27/11/2025

WALANG STOP. TULOY-TULOY ANG LABAN.

Hindi tayo titigil hangga't hindi natin naaabot ang ! 🎯
Ngayong World AIDS Day 2025, sinisigaw natin: "Overcoming Disruption, Transforming the AIDS Response." Kahit anong balakid, babaguhin natin ang sistema para siguraduhing accessible ang kaalaman at pagmamahal.

Makisama sa pagbabago. Huwag maging balakid. Maging solusyon. ❤️

“𝐒𝐡𝐚𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐢𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞, 𝐬𝐭𝐨𝐩 𝐭𝐡𝐞 𝐯𝐢𝐨𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞!”Ngayong Nobyembre 25, 2025, opisyal na sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng San Ma...
26/11/2025

“𝐒𝐡𝐚𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐢𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞, 𝐬𝐭𝐨𝐩 𝐭𝐡𝐞 𝐯𝐢𝐨𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞!”

Ngayong Nobyembre 25, 2025, opisyal na sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa isang makabuluhang kick-off ceremony.

Isang malaking pribilehiyo para sa YDAC for Health, Social Inclusion and Equity, Peace-building and Security na maging bahagi ng mahalagang kampanyang ito na pinangunahan ng San Mateo, Rizal Municipal Social Welfare and Development Office at San Mateo Gender and Development Office. Ang kilusang ito ay patuloy na nagsusulong ng pagprotekta, pagbibigay-lakas, at pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan, lalo na ng mga biktima ng karahasan, upang maipaglaban nila ang kanilang seguridad at kaligtasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi. Sama-sama pa rin tayo sa mga susunod pang hakbang para sa pagtatanggol ng karapatang pantao at pagtatapos ng karahasang laban sa kababaihan.



Looking for a space where your ideas matter, your growth is supported, and your purpose is encouraged? Let us introduce,...
23/11/2025

Looking for a space where your ideas matter, your growth is supported, and your purpose is encouraged?

Let us introduce, Youth Development Advocate Circle for Health, Social Inclusion and Equity, Peace Building and Security!

This is your sign. Join our circle that doesn’t just talk about impact—we create it. Together, we learn, lead, and make things happen. Be part of something meaningful. Be part of us and be a youth advocate!



GForms Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf5dvop4jScr-OGwYkO-uFfqCLm9aUwhLAVxAZs7asLrzQ9DQ/viewform?usp=send_form

𝗞𝗲𝘆𝗻𝗼𝘁𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐋𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 | 𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞: 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓Ms. Leah Villalon, ay ang Executive ...
17/10/2025

𝗞𝗲𝘆𝗻𝗼𝘁𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹

𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐋𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 | 𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞: 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓

Ms. Leah Villalon, ay ang Executive Director at Chief Operating Officer ng National Youth Commission kung saan isa siya sa mga nangunguna sa pagpapalakas ng mga kabataan para sa pamamahala. Naniniwala siya na ang pamumuno ay hindi nasusukat ang titulo kundi sa paglilingkod.

Malaki ang naging parte ni Ms. Leah sa paghihikayat at inspirasyon ng mga kabataan na mamuno nang may tapang, pagkamalikhain at pagsisikap na bumuo ng mas matatag at mas ligtas na kinabukasan.

Sa kanyang pagbibigay mensahe nawa’y baunin natin ito para sa laban na ating kakaharapin para mas mapabuti pa ang ating bayan.

Dahil dito sa San Mateo, sinusubukan ng mga kabataan na bigyan ng boses ang kanilang kapwa kabataan para sa ikakauunlad ng aming sarili at patuloy na paglilingkod sa bayan.

Kita-kita bukas, mga lider kabataan!

𝐌𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐚𝐥𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐋𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 | 𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞: 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓Ms. Mardilyn Garcia, ay ang tagapagtatag ng ...
17/10/2025

𝐌𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐚𝐥

𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐋𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 | 𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞: 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓

Ms. Mardilyn Garcia, ay ang tagapagtatag ng Your Bubog Matters, isang adbokasiya para sa kalusugang pangkaisipan at gawaing panlipunan na inspirasyon ng Kintsugi, ang sining ng mga Hapon na nagtuturo na ang mga “basag” ay maaaring maging kariktan—na ang pagkabasag ay maaaring maging kagandahan.. Gumawa rin siya ng mga proyekto na pag-komunidad na nakatulong sa mga kabataan upang maging bukas sa mga oportunidad at pagbibigay boses sa mga kabataan.

Malaki ang naging parte ni Ms. Mardilyn sa paghubog ng mga isipan ng mga kabataan upang sila ay maging malaya at masigasig sa kanilang pinaglalaban.

Sa kanyang pagsasalita sa ating aktibidad, mas maunawaan natin ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili habang tayo ay naglilingkod sa ating mga kababayan.

Dahil dito sa San Mateo, sinusuportahan ang mga opinyon at polisiya upang mapangalagaan ang sarili.

Kita-kita bukas, mga lider kabataan!

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱Malugod namin pinapakilala ang ati...
17/10/2025

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹

𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱

Malugod namin pinapakilala ang ating magiging resource speaker mula sa GoodGovPH!

Ms. Abigail Hapal, Former Executive Director ng GoodGovPH, na nagsusulong ng mabuting pamamahala. Bilang presidente noon ng DLSU-D University Student Government, naisulong niya ng karapatan ng mga kapwa niya mag-aaral at nakagawa ng polisiya para sa mga kababaihan. Gumawa din siya ng mga proyekto na kung saan nagbibigay ng lakas sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan na hanggang ngayon ay nagpapatuloy.

Malaki ang naging parte ni Ms. Abigail sa kilos ng mga kababaihan dahil sa kanyang panghihikayat sa mga kabataan na tumindig at lumaban para sa kanilang karapatan.

Sa kanyang pagsasalita sa aktibidad, mas mauunawaan ng mga kakaibahan ang kanilang karapatan, at kung paano sila mamumuno ng naayon sa mabuting pamamahala at sa pagkapantay-pantay ng karapatan ng bawat isa.

Dahil dito sa San Mateo, mahalaga ang pagbibigay ng boses sa lahat ng kabataan dahil mula sa kabataan, para sa kabataan.

Kita-kita bukas, mga lider kabataan!

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱Masigasig naming pinapakilala ang ...
17/10/2025

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹

𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱

Masigasig naming pinapakilala ang ating magiging resource speaker mula sa Akbayan Youth!

Ms. Khylla Meneses, Secretary-General ng Akbayan Youth, na lumalaban sa karapatan ng mga mamamayan at mga kabataan. Kasalukayan siyang Sangguniang Kabataan Chairwoman ng Barangay 176-C Zone 15 District 1 of Caloocan City. Siya rin ay isang human rights advocate na nagrerepresenta sa Pilipinas sa iba’t ibang pagpupulong na dinaluhan ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Malaki ang naging parte ni Ms. Khylla upang marinig ang boses ng mga kabataan sa nasyonal na konteksto para makagawa ng mga proyekto na naglalayon na magbigay ng boses sa mga kabataan at mga kababaihan.

Sa kanyang pagsasalita sa aktibidad, mas magbibigay ito ng linaw kung paano tayo magkakaroon ng espayo sa pamamahala bilang babae at matuturan tayo kung paano dapat mamuno ang mga susunod na babaeng lider-kabataan.

Dahil dito sa San Mateo, sama-samang kikilos ang kabataan para ilaban ang aming karapatan.

Kita-kita bukas, mga lider kabataan!

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱Masigasig naming pinapakilala ang ...
17/10/2025

𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹

𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵-𝗟𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 | 𝗮𝗩𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗩𝗮𝗲: 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱

Masigasig naming pinapakilala ang ating magiging resource speaker mula sa Y4MH!

Ms. Ray Alyannah Lagasca, National Chairperson ng Youth for Mental Health Coalition, Inc., na nangunguna sa mga pambansang inisyatiba upang mawakasan ang stigma sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng repormang pangpatakaran at mga programang pangkomunidad. Isa siya sa mga tumulong sa pagbalangkas ng Mental Health Act at ng Basic Education Mental Health and Well-Being Act, at kinakatawan niya ang kabataan sa National Anti-Poverty Commission

Malaki ang naging parte ni Ms. Alyannah upang ilaban ang mga patakarang makakabuti hindi lamang sa mga kabataan ngunit para rin sa mga kapwa Pilipino na naapektuhan ng stigma sa kalusugang pangkaisipan.

Sa kanyang pagsasalita sa ating aktibidad, malalaman ng mga kapwa kababaihan kung paano nila mapapahalagahan ang kanilang kalusugang pangkaisipan at paano nila mababalanse ang pamumuno habang inaalagaan ang kanilang sarili.

Dahil dito sa San Mateo, nilalaban ang karapatan ng mga mamamayan para sila ay magkaroon ng espasyo para pahalagahan ang kanilang kalusugang pangkaisipan.

Kita-kita bukas, mga lider kabataan!

𝐌𝐠𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞Narito ang ilang importanteng paalala bago tayo magtagpo sa aVante VaAae...
17/10/2025

𝐌𝐠𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐕𝐚𝐕𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐕𝐚𝐧𝐭𝐞

Narito ang ilang importanteng paalala bago tayo magtagpo sa aVante VaAae: Young Women’s Congress 2025: Vision, Voice, Victory! 🎉

📍 Venue: Alberto’s Banquet Hall, Malanday, San Mateo, Rizal
🕢 Oras ng Rehistrasyon: 7:30 AM – 8:30 AM

👉 Tip: Dumating nang mas maaga upang makapagrehistro at makapaghanda nang maayos!

Huwag ding kalimutang tingnan ang larawan sa ibaba para sa listahan ng mga dapat dalhin at iba pang paalala para sa ating event. 👜📋

𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚’𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐩𝐨𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐫𝐢𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐢𝐧, 𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!

Address

San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YDAC—Health, Social Inclusion, Equity, Peacebuilding and Security posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share