08/09/2026
ANUNSIYO PUBLIKO | Walang Pasok!
Sa bisa ng Executive Order No. 35, s. 2026 ng ating punongbayan, Mayor Omie Rivera, WALANG PASOK sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng San Mateo Rizal bukas ng Miyerkules, ika-9 ng Setyembre 2026.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bayang San Mateo, Nuestra Señora de Aranzazu at ika-28 Kakanin Festival. Sa araw na ito, sama-sama nating bigyang-halaga ang diwa ng pananampalataya sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at pagbibigay-pugay sa Mahal na Birheng Aranzazu.
Viva La Virgen!