12/06/2026
Ngayong Hunyo 12, nakiisa ang San Juan Senior High School sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng isang makabuluhang seremonya ng Flag Retirement na pinangunahan ng ating mga Eagle Scouts. Sa bawat pagyuko, pag-awit, at pag-alala, ipinakita natin ang tunay na diwa ng respeto at pagmamahal sa ating watawat—simbolo ng sakripisyo, tapang, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Ang seremonyang ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang paalala na ang kalayaan ay may kasamang responsibilidad: ang maglingkod, ang magmalasakit, at ang magtaguyod ng dangal ng ating bansa. Sa bawat estudyanteng nakiisa, sa bawat g**o, sa bawat mga Alumni na dumalo, sa bawat mga panauhing nag paunlak sa paanyaya ng paaralan at scout na nagbigay ng oras at puso, muling nabuhay ang diwa ng bayanihan at pagmamahal sa Inang Bayan.
Naniniwala kami na ang kalayaan ay hindi lamang nakaraan—ito ay patuloy na hamon at pangako para sa kinabukasan. ✨