12/05/2026
Sa bawat guhit ng bata, may kwento ng kultura. Sa bawat kwento, may pag-asa.
Sa isang sulok ng Tamisan Elementary School sa Barangay Poypoy, may mga batang nakaupo sa sahig, may hawak na lapis at krayola, may hawak na pangarap. Tahimik silang nag-iisip sa tanong na, โAno ang ibig sabihin ng pagiging isang Taobuid?โ Tapos isa-isa silang gumuguhit: may bahag, may kwako, may basket, may sulfa, may dongdong, may tulali, may kagubatan.
Hindi lang ito simpleng drawing, ito ang kanilang paraan ng pagsasabi, โIto kami. Ito ang gusto naming matutunan. Ito ang ayaw naming mawala.โ
Sa isinagawang Bale Fagfuyungan "Intergenerational and Interpretational Consultation-Workshop", na pinangunahan ng Tamisan Elementary School katuwang ang Thriving Together with Tamaraw Consortium, nabigyan ng boses ang mga batang Taobuid, kasama ang kanilang mga magulang at ๐ง๐ถ๐ง๐ถ๐ข๐ฎ๐ข at ๐ง๐ถ๐ง๐ถ๐ช๐ฏ๐ข (elders). Sa pamamagitan ng kwento (storytelling), pagguhit (drawing), at may ugnayang (interactive) mga gawain, unti-unting lumabas ang kanilang pagmamahal sa kulturang nalilimutan na ng marami at ang kanilang kagustuhang mas maintindihan ito.
May mga batang gustong matutong gumawa ng kwako at bahag. May ilan na nais matutunan ang mga palatandaan ng kalikasan, kung kailan darating ang ulan o bagyo. At karamihan sa kanila, iisa ang sagot kung saan nila gustong matuto: โSa aming mga magulang at nakatatanda.โ
Dito mas lalong nakita ang kahalagahan ng ๐๐ข๐ญ๐ฆ ๐๐ข๐จ๐ง๐ถ๐บ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ, hindi lang isang lugar, kundi isang buhay na learning hub. Isang lugar ng pagkatuto kung saan ang IKSP (Indigenous Knowledge Systems and Practices) ng Taobuid ay maipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Isang espasyo kung saan ang kultura ay hindi lang kinukwento, ito ay isinasabuhay, inaalagaan, at pinapasa, upang hindi ito tuluyang mawala.
Hindi lang ito simpleng workshop, isa rin itong espasyo kung saan ang mga ideya ng kabataan ay pinapakinggan, pinahahalagahan, at ginagawang inspirasyon para sa mas inklusibo at makabuluhang mga programa sa hinaharap. Patunay ito na kapag binigyan ng pagkakataon ang mga bata na magsalita at makilahok, mas nagiging makulay at makabuluhan ang pagkatuto.
Sa huling bahagi ng workshop, isang punong walang dahon ang unti-unting napuno, hindi ng dahon, kundi ng mga marka ng pangako. Mula sa maliliit na kamay ng mga bata hanggang sa mga bakas ng daliri ng kanilang mga magulang at elders, bawat marka ay simbolo ng iisang pangako: โIpagpapatuloy ang kwento ng aming kultura.โ
At sa simpleng workshop na ito, malinaw ang mensahe, habang may batang handang matuto at komunidad na handang magturo, mananatiling buhay ang kultura.
-----
This activity is part of Thriving Together with Tamaraw, a consortium led by Re:wild in partnership with the D'Aboville Foundation and Demo Farm, Inc. (DAF), and the Mindoro Biodiversity Conservation Foundation, Inc. (MBCFI), with support from Biodiversity Challenge Funds (BCF) through UK Aid.