07/07/2026
WEATHER UPDATE
Kasalukuyang nakararanas ng malalakas hanggang matinding pag-ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat, at bugso ng hangin ang ilang bahagi ng Bulacan kabilang ang Lungsod ng San Jose del Monte at iba pang karatig lugar.
Ayon sa inilabas na Thunderstorm Advisory No. 8 ng DOST-PAGASA ngayong Martes, July 7, as of 8:00PM, inaasahang magpapatuloy ang sama ng panahon sa loob ng susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat laban sa posibleng pagbaha, pagbagsak ng mga sanga ng puno, at iba pang panganib na dulot ng masamang panahon. Patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather bulletin para sa mga karagdagang update.
Mag-ingat at laging magdala ng pananggalang sa ulan kung lalabas ng bahay.