Alagang Kay Ganda

Alagang Kay Ganda “Alagang Kay Ganda: Isang programang may puso at malasakit para sa pamilyang San Joseño.”

07/10/2026

MAYOR FOR A DAY: Muli na namang naging makabuluhan at masaya ang araw ng ating butihing Mayor, Ate Rida Robes, sa kanyang pagganap bilang lingkod-bayan.

Nagsimula ang kanyang araw sa panunumpa ng mga kawani na na-promote sa kanilang mga bagong tungkulin, kasunod ang paggawad ng mga parangal sa mga natatanging estudyante at pagsalubong sa Lakan at Lakambini 2026.

Dumalo rin siya sa ilang mahahalagang pagpupulong at nakinig sa mga ulat ng mga department head tungkol sa kanilang mga tagumpay at accomplishments. Kasabay nito, patuloy din siyang nagbigay ng tulong at serbisyo sa ating mga residente.

Bago matapos ang kanyang araw, dumalo rin si Ate Rida sa isang special meeting para sa paghahanda ng lungsod sa Super El Niño, bilang bahagi ng patuloy na pagtitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng bawat San Joseño.




01/10/2026

Hindi lang serbisyo publiko ang talento ng mga kawani ng San Jose del Monte. Sa hataw sa trabaho, pati sa indak at palakasan ay kayang-kaya ring ipagmalaki!

Sa sobrang saya at pagkakaisa, matagumpay na naidaos ang pagbubukas ng 2026 City Employees Sportsfest. Hindi lang Zumba ang naging tampok, kundi meron din iba't ibang laro at kompetisyon tulad ng basketball, volleyball, bowling, at mga tradisyunal na larong Pinoy gaya ng patintero, luksong baka, piko, at marami pang iba.

Isang pagdiriwang ng pagkakaisa, sportsmanship, at samahan na tunay na magpapakita ng husay at galing ng bawat kawani. Mabuhay ang mga empleyado ng Lungsod ng San Jose del Monte!

29/09/2026

MAYOR FOR A DAY: Samahan po natin ang ating butihing Mayor Ate Rida Robes sa kaniyang aktibong paglilingkod sa ating lungsod! Mula sa pagbibigay-lakas sa ating mga estudyante sa CSANPRISA Sportsfest, hanggang sa pag-abot ng yakap at pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mula sa masusing pagtiyak na pulido ang bawat serbisyo ng Pamahalaang Lungsod kasama ang kaniyang Department Heads, hanggang sa pagtatapos ng araw sa isang masayang pagdiriwang ng pag-ibig sa wedding ceremony kasama ang ating mahal na Cong. Arthur Robes.




24/09/2026

"Faith isn't about asking God to reshape the world to match our desires; it's about letting God reshape our hearts to navigate whatever the world brings."




23/09/2026

Mahigit 200 g**o ang nabiyayaan ng "Tindahan ni Maria On the Go." Bukod sa sariwang gulay, nagkaloob din ang "Alagang Kay Ganda" ng libreng gupit, kulay ng buhok, at masahe, pati na rin libreng konsulta sa dentista sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association.




18/09/2026

Ang bawat "Bayong ni Jose" na nakararating sa ating mga kababayan ay simbolo ng pag-ibig at patnubay mula sa Kaitaasan. Sa gabay ng halimbawa ni St. Joseph bilang ampon na ama at tagapagtanggol, patuloy na ginagamit ng Diyos sina Mayor Ate Rida Robes at Cong. Arthur Robes upang maging daan ng Kanyang masaganang pagpapala para sa buong lungsod.




17/09/2026

Patuloy na umaarangkada ang "Bayong ni Jose" sa ating mga barangay! Hindi matatawaran ang sigla at saya ng mga residente sa programang handog ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes at Cong. Arthur Robes. Ang "Bayong ni Jose" ay isang pinagpalang biyaya mula kay St. Joseph na ating patron, para sa mga pamilyang San Joseño.




16/09/2026

Ngayong 2026, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Ate Rida Robes at Cong. Arthur Robes, ating gunitain ang hindi maipintang saya ng mga nagwagi sa paligsahan sa Tanglawan Festival na umukit ng kasaysayan para sa The Rising City of San Jose del Monte! Isang maningning na tagumpay at dobleng saya para sa isang mas progresibong lungsod na patuloy na umaangat.




09/09/2026

Pormal nang iginawad kay San Jose del Monte Mayor Florida “Ate Rida” Robes ang pagkilala bilang Top Performing and Most Trusted City Mayor sa bansa ng RPMD Foundation Inc., iSTORYA News, at 1NewsPh. Ang parangal na ito ay sumasalamin sa epektibo at tapat na pamamahala ng alkalde sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay sa lungsod. Patuloy na pinatutunayan ng pamunuan ni Mayor Robes na ang patuloy na pag-unlad ng "The Rising City" ay nakasalig sa epektibong serbisyo publiko at malasakit sa bawat mamamayan.




06/09/2026

MAYOR FOR A DAY: Isang buong araw na puno ng aksyon ang ginampanan ng ating butihing Mayor, Ate Rida Robes!

Una niyang pinuntahan ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong, kasunod ang pagpunta sa New Government Center upang harapin ang mga opisyal ng Jollibee para sa pagbubukas ng bagong branch sa Brgy. Gaya-Gaya, pati na rin ang pakikipagpulong sa bagong hepe ng pulisya ng CSJDM.

Pinanumpa rin niya ang mga bagong halal na opisyal ng City of San Jose del Monte Private Schools Association (CSANPRISA), kasunod nito ang pagpapasinaya kasama si Cong. Arthur Robes sa bagong auditorium sa Sapang Palay National High School.

Nagtapos ang kaniyang araw sa pamamahagi ng mga essential kit na may lamang pagkain, gatas, tuwalya, unan, at toiletries sa Ateneo Casa Famiglia Servants of the Poor, Inc.




Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alagang Kay Ganda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share