29/06/2026
Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati sa aming President, Yamileth Torres, sa pagtanggap ng dalawang prestihiyosong pagkilala bilang pagkilala sa kanyang walang sawang pagsusulong ng karapatan, pagkakapantay-pantay, at kapakanan ng LGBTQIA+ community.
✨ Natatanging LGBT Minuyan Proper 2026 – Advocacy Excellence Award
📍Barangay Minuyan Proper
Iginawad ng LGBT Minuyan Proper Organization bilang pagkilala sa kanyang natatanging dedikasyon at pamumuno sa pagsusulong ng adbokasiya para sa LGBTQIA+ community.
✨ SOGIE Equality Advocate Award
📍Barangay Lawang Pari
Iginawad ng Ganda Mo, Gawa Ko LGBTQIA+ Organization Inc. bilang pagkilala sa kanyang patuloy na pagtataguyod ng SOGIE equality, inclusion, at karapatang pantao.
Ang mga parangal na ito ay patunay ng kanyang tapat na paglilingkod, matatag na pamumuno, at walang humpay na pagkilos upang makabuo ng isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at pantay na oportunidad para sa lahat.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong komunidad at sa lahat ng mga patuloy na naninindigan para sa isang mas inklusibo at makatarungang lipunan.
Mula sa buong pamilya ng INDIGO Inc., taos-puso kaming bumabati sa iyo. Nawa'y maging inspirasyon pa ang pagkilalang ito upang lalo pang palakasin ang iyong adbokasiya at paglilingkod.
Congratulations, Pres. Yamileth Torres! 🌈💜